Gangsta 18(09/08/2015)

161 11 0
                                    

Anexa's Pov:


Buong biyahe ata akong 'di mapakali. I will meet her mom right now! At mamatay ako dahil sa kabang makikita ko ito. Tsaka napapaisip pa rin ako sa linya niya kanina.


"You're my witch.."

"You're my witch.."

"You're my witch.."


UGH! Alam kong dapat na-ooffend ako! Pero hindi eh! Parang may ibang meaning 'yon eh! Hindi ko nga lang alam. I don't know what!


"What are you thinking? May balak ka atang sabunutan ang sarili mo?" Natatawang sabi niya habang nagdadadrive.


"Gago ka pala eh! Bakit ngayon mo lang sinabing gusto niya akong makita?! Ugh! I will really kill you!" Inis na sabi ko habang ngumingiti lang ang gago. 


"Hindi ka naman nagtanong eh." Naasar naman ako sa sinabi niya.


"HALA KA! Papasok na tayo!" Kinakabahang tanong ko dahil nakapasok na kami sa mansyon.


Tumigil na rin ang kotse niya sa tapat ng door. Ang yaman talaga ng lalaking 'to! "Oh.. Ano na? Baba!" Sabi niya.


"Atat?! Give me time!" Napapokerface siya at binuksan ang kotse. Nauna na siyang lumabas. Akala ko nga papasok na siya sa loob no'ng binuksan niya ang kotse at hinila ako palabas.


"Walang hiya ka!" Inis na sabi ko no'ng nakalabas na ako. Nagbabalak na sana akong pumasok uli pero kinarga niya ako! Bridal style! "Gago! Gago! Ibaba mo ako uyy!" Inis na sabi ko.


"Psshh.." Sinabi niya habang kinakarga ako papunta sa loob.


"AyAng sweet nila oh. Pwede na nga silang maikasal, babe. Nagpractice na sila ng Bridal Style oh." Namula naman ako at dali-daling bumaba.


"Good Afternoon po!" Sabi ko habang nakangiti at binabatukan si Rinth.


Pero ampotek! Dinedma ako at umalis pa sa tabi ko! Komportableng umupo pa siya sa couch nila.


Sumunod naman ako sa kanya at umupo sa tabi niya. "Usog ka ro'n." Hindi na siya nahiya! Umusog naman ako palayo sa kanya pero wrong timing dahil malapit pala ako sa parents niya.

My Gangsta Boy (COMPLETE) #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon