Gangsta 20(09/25/2015)

148 11 2
                                    

Anexa's Pov:


Nasaktan talaga ako sa pagtanggi sa kasal. Pero ang pinakamasakit, iniwan niya pa ako rito sa bahay ng parents niya. "S-Sige po, Tita, Tito. May klase pa po ako ngayong hapon. Thank you po." Sabi ko sa kanila.


Napatayo naman silang dalawa, "Mag-iingat ka iha." Sabay nilang sabi. "Lina, ihatid mo si Anexa sa labas." Sabi ni Tito at lumapit naman iyong katulong nila.


Nasa labas na ako ng gate at pinara ko ang unang taxi na nakita ko. Bawal ang taxi rito dahil exclusive subdivision 'to. Pero pwede silang pumasok kung may ihahatid silang taga-rito.


Pumasok ako sa loob habang hindi tinitingnan ang drayber. Nagsimula na rin itong magdrive.. "Sa pinakamalapit na mall kuya." At tinungo niya nga ang daan palabas sa subdivision.



Rinthians' Pov:


Hindi pa ako handang maikasal. 6 months is coming at ayoko pang matali! Nasa kwarto lang ako at nag-iisip. Nag-iingay na rin ang cellphone ko. Dahil ang ingay, sinagot ko iyon. "Ano ba?!" Inis na sabi ko.


"Aatake nanaman yung kabilang grupo, Luke." At agad naman iyong namatay. Bigla akong kinabahan. Agad akong bumaba sa hagdan at tinungo ang mga magulang ko.


"Ma?! Si Anexa?" Kinakabahang tanong ko.


"Aba! Hinahanap mo na ngayon? Samantalang kakaalis lang no'ng fiancee mo sakay ng taxi--" Ayoko ng makipagtalo pa nanay ko. Agad kong inutusan ang mga guards na buksan ang gate. Ngayon, may use na rin ang Audi R8 na 'to.


Pinabilisan ko ang takbo at hinanap ang taxi na iyon! Shit! Magpakita ka! Anexa. Nasaan ka ba?!


Pinalipad ko lang 'yong kotse ko. Tinawagan ko si Anexa habang nagdadrive ako. I need to know where she is. "Hello." Maikling sabi niya.


"Saan ka?" Kinakabahang tanong ko.


"Kalalabas lang ng taxi. Duh.. H'wag mo na akong hanapin. May date ako kaya tumahimik ka diyan!" Tapos in-off niya ang phone niya. Kasunod noon ay pagring ng cellphone ko.


"Joke lang 'yong kanina."


My Gangsta Boy (COMPLETE) #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon