Gangsta 34(11/30/15)

139 11 0
                                    

Anexa's Pov:



"Anak may nabalitaan ako." Sabi ni dad sa hapag-kainan.



"Huh?" Tanong ko dahil hindi ako nakikinig. Kayo kaya? Mahahalikan ng lalaking mahal niyo, hindi ba kayo matutulala? Ugh! Dati, wala pa sakin yung halik niya dati dahil gusto ko pa lang siya noon. Pero iba na ngayon..



"Hindi nakikinig." Sabi ni ate na hindi ginagalaw ang pagkain. Samantala, pinaglalaruan lang iyon. Malamang, bagsak nanaman siya sa taong mahal niya dati pa!



"Nahalikan ng fiancee eh." Sabat naman ni Chael.



Namula ako. "Tumahimik ka!" How did he know?



"Yan nga ang balitang nalanghap ko. Anak, magsabi ka namang gusto mo si Rinthians."



"Oo nga. Hindi yung sinusurprise mo kami." Dagdag ni mama. Tapos pumalakpak siya bigla. Anong meron? I mean, pagpumapalakpak siya kapag may pinapakuha siya.



"What's that?" Tanong ko dahil may isang malaking picture frame na dala-dala ni Mang Nestor.



"Saan ko ba to ilalagay Ma'am?" Tanong ni Mang Nestor.



"Ibigay mo kay Anexa. Regalo ko sa pasko." Sabi ni mommy habang sinusubuan si daddy ng leche flan.



"Ma, ang cheap!" Sabi ko.



"Cheap ka diyan! Hoy ang mahal kaya ng frame at ng picture na yan!" Sabi ni Chael. Napansin kong ang tahimik ni Kuya Chase.



"Oo nga! Kung may cheap, ang nangyayari sa larawan." Sabi ni ate at inirapan ko lang. "Hoy Chase pangit! Ang tahimik mo ah." Sabi ni ate.



"Shh.. Nag-eemo h'wag niyo nga guluhin!" Sabat ni Chael.



Napatayo si Chase at umakyat na sa hagdan. "Yaya Bern kainin niyo ang food." Sabi ni Ate at umalis rin.



"Mga bitter! Heh! *cough* Anexa nga!" Sambit niya at napaubo dahil nagshoot ako ng chocolate sa bibig niya.



"Palibhasa 'di pa naka-experience ng love! Nagmana ka talaga sa daddy mo!" Sabi ni mommy.

My Gangsta Boy (COMPLETE) #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon