Anexa's Pov:
Napangiti ako habang naglalaro si Rinthians at si Chanel. Kung titingnan, pwedeng-pwede ng maging tatay si Rinthians. "Ayy. Tulala.. Anong iniisip mo te?" Lumapit si Iera sa tabi ko.
"Alis nga! Tinatakpan mo ang nice view!" Sabi ni Joselle sa kanya.
"Alam mo namang nag-iisip na yang si Anexa sa magiging future nila ni Rinthians." Namula ako sa sinabi ni Janelle.
"O-Oy! H-Hindi ahh!" Pagtanggi ko.
"Asus! Aminin mo na. Gwapo si Rinthians lalo na kapag may anak ko. Bet ko, magiging magaling at mapag-aruga siyang ama." Sabi ni Iera.
"Oo nga, aminin mo na. Ayiee." Namula ako.
"Heh!" Umalis ako don at narinig ko ang tawanan nila.
Lumapit ako kay Rinthians at kay Chanel. Nakita kong napangisi si Chanel na para bang may naiisip. Hanggang sa may binulong ito kay Rinthians, napangiti naman si Rinthians. Ano kaya ang binulong nito?
"Ate Anexa, pwede mo ba akong ikuha ng buko?"
"Sige ba, saan ko ba mahahanap iyan?" Tanong ko. Pagabi na rin kasi.
"Ate Anexa, sama ako!" Lumapit si Luke sa akin, yong batang nakilala ko kanina lang.
Biglang umasim ang mukha ni Chanel, "Ba't ka ba sasama? Dito ka lang, impakto." Inis na sabi ni Chanel kay Luke.
"Pake mo ba? Gusto ko rin ng buko ehh."
"Ahhh, basta! Halika rito." Inis na sabi ni Chanel at hinila si Luke. Napapailing na lang akong naglakad.
"Samahan na kita." Sabi ni Rinthians at tumibok ang lintek na puso ko. Bakit ba ganito? Nasa panganib ang puso ko. I'm falling for him. Hard. Deep. And it's unhealthy.
"Okay." 'Yan lang ang nasabi ko.
"Anexa, bakit ang tahimik mo?" Tanong niya habang kumukuha kami ng buko.
BINABASA MO ANG
My Gangsta Boy (COMPLETE) #Wattys2016
RomanceMay isang babaeng, itago natin sa pangalang 'Unggoy'.. De joke lang.. Ang isang Chanel Anexa Alterado ay may magandang buhay--bago pa dumating ang isang Luke Rinthians Heillein. Sila ay pinagtagpo upang magpakasal. At sa huli'y sila ay gumawa ng i...