Gangsta 10(05/26/2015)

169 12 0
                                    

Anexa's Pov:


Nakita kong tumakbo si.. Ano nga ba pangalan no'n? Ahh Basta! 'Yong ex ni Rinthians! Tumatakbo siya habang umiiyak. Napatigil naman siya at tiningnan ako ng masama. Tumakbo naman siya habang inirapan ako pagkatapos no'n.


"Problema no'n?" Tanong naman ni Hyeri na katabi ko lang.


"Ahh.. Abay malay ko ro'n." Sabi ko naman sa kanya. Galing siya sa Shower Room. Don't tell me? Biglang nag-init ang buong mukha ko na parang sasabog na ako sa galit. Ano kaya ginawa ng babaeng 'yon sa shower room?!


"Huy! Namumula ata ang tainga mo? Ba't galit ka?" Tanong niya sa 'kin. Hinintay naming lumabas si Rinthians at 'yong jowa niya. Mas lalong nag-init ang mukha ko sa galit dahil nakita ko ng lumabas si Rinthians. Lumapit naman siya sa akin at inirapan ko naman. "Luke, namumula sa galit ang babaeng 'yan. Kausapin mo. Naging bipolar ata. Babe, halika na!" Narinig kong sabi ni Hyeri sa boyfriend niya.


"Hoy, Witch. An'yare sayo?" Boses pa lang niya naiinis na ako! Siguro nagkiss sila no'ng babaeng malanding iyon. -.- Napasigaw naman ako no'ng kinarga niya ako.


"Ahhh..! Ibaba mo ako! Ibaba mo ako!" Pagsisigaw ko. Binuhat niya lang naman ako na pang bridal style.


"Tumahimik ka nga, Witch. Nagpra-praktis ako sa kasalan natin. Mas mabuti pang kargahin na kita ng maaga para masanay na ako sa kabigatan mo." Nainsulto naman ako sa sinabi niya kaya niwiggle ko ang katawan ko para ibaba niya ako. Nagtagumpay naman ako at inis na naglakad palayo sa kanya. "Hoy, witch! Hintay!" Narinig kong sabi niya habang hinahabol ako.


Napaharap naman ako sa kanya. "Pwede ba? I don't have time to be mad at you--to talk back to you. Kaya pwede lang, kahit for once. Ayoko munang makita ang mukha mo, kasi magkikita na tayo bukas at bukas na rin i-aannouce ang kasalan natin." Inis na sabi ko at pumasok sa kotse niya.


Hindi ko alam kung bakit ako galit. Nagsimula lang naman 'to dahil sa babaeng ex niyang haliparot! Nakita ko namang pumasok siya sa driver's seat at pinaandar ang kotse. Buong biyahe ata kaming hindi nag-uusap. Samantalang, nagbabangayan kami kapag umuuwi na kami galing sa University.


Hindi ko inaasahang nasa bahay na pala kami. Hindi ko man lang napansin. Lalabas na sana ako no'ng hinawakan niya ang kamay ko. Para atang nakuryente ako at agad ko 'yong binawi sa kanya. "Am I that harsh towards you?" Tanong niya na may halong pagsisisi.

My Gangsta Boy (COMPLETE) #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon