Kabanata 12

2.8K 193 17
                                    

"Hindi ba at nagmula ka sa ibang mundo? Maaari ka bang magbahagi ng iyong karanasan doon?" tanong ni Charles.

Umabot na ata kami ng oras sa paglalakad ngunit hindi pa rin kami nakakarating sa aming destinasyon. Kasalukuyan na kaming nasa loob ng kagubatan at ayon sa kaniya, kami raw ay malapit na. Sa tuwing magtatanong ako sa kaniya, dadagdagan niya lamang ng isa pang 'malapit' ang sagot niya.

"Malayo pa ba tayo?" binalewala ko ang kaniyang tanong. Mas mahalaga ang aking tanong.

"Malapit na malapit na malapit na malapit na malapit na malapit na malapit na malapit na malapit na malapit na malapit na malapit na malapit na malapit na malapit na malapit na malapit na malapit na malapit na malapit na malapit na malapit na malapit na malapit na malapit na-pang-ilang tanong mo na ba iyon?" diretso ko siyang tiningnan. Maski siya ay nawala na rin sa bilang. "Pero seryoso, Yuyami. Malapit na talaga tayo. Natatanaw ko na mula rito."

Tumingala siya kaya naman ay ganoon din ang ginawa ko. Kumunot ang aking noo dahil wala naman akong nakikita kung hindi isang puno.

"Kwentuhan mo na lamang ako tungkol sa kinalakhan mong mundo. Paniguradong matapos mong magsalaysay ay naroon na tayo," aniya.

"Ano naman ang ikukwento ko tungkol doon sa iyo? Wala namang espesyal doon," sambit ko.

"Anong ibig mong sabihin?"

"Hindi tulad dito sa Evernight, walang magice ang mga tao roon," panimula ko. "O kung mayroon ka mang mahikang taglay, mas maiging itago mo na lamang ito sa sarili mo. Takot kami sa mga bagay na hindi namin naiintindihan. Hindi nga namin naiintindihan kaya hindi namin alam kung ano ba ang magagawa nito."

"Si Mama ang nagsabi niyon sa akin. Nang nalaman niyang may kapangyarihan ako, pinagbawalan niya akong gamitin iyon..." pagpapatuloy ko, "Una, dahil nahahanap kami nina Era at Thaolus. Pangalawa, dahil ayaw niyang iwasan ako at katakutan ng ibang tao."

"Pero mukhang hanggang dito... Katatakutan ako kapag pinakita ko sa iba ang kakayahan ko."

Napabuntong-hininga na lamang ako.

"Kahit talikuran ka ng ibang tao, hinding-hindi ka namin tatalikuran ni Charlie. Kung sakali mang husgahan ka nila, handa kaming takpan ang tenga at mga mata mo upang hindi mo sila makita at marinig," aniya.

Pinanliitan ko siya ng mga mata. Bakit bumait na ata siya sa akin ngayon. Dati naman, hindi, a. Palikero talaga ang isang 'to.

"Bakit ganiyan ka makatingin? Huwag mong sabihing nagugustuhan mo na ako, a?" proud niya pang anunsiyo.

"Kadiri ka! Bakit kita magugustuhan? Bugbog-sarado ka nga roon sa manok na heneral, e," pang-aasar ko naman sa kaniya.

"Manok?"

Napatigil ako nang napagtanto ko ang sinabi ko. Nagkibit-balikat ako.

"Masiyado ka naman atang mabait kung manok lamang ang itatawag mo sa kaniya. Aba! Nais ka niyang mamatay, ano at siya ang pumatay sa iyong..."

Hindi niya na tinapos pa ang kaniyang sinabi. Nabalot kami ng katahimikan, walang nagsalita. Naaalala ko ang naging pag-uusap namin noong akala ko, sinalo ng Heneral ang atake na para sa akin.

Kahit akto lamang ang mga sinabi niya, totoo naman ang mga sinabi ko.

Siya ang pumatay sa aking kinilalang ina pero hindi ko magawang magtanim ng galit sa kaniya. Tinuro sa akin ni Mama noong bata ako na walang magagawa ang galit at paghihiganti. Mas lalo lamang lalala ang mga nangyayari kung hahayaan kong makonsumo nito.

Nasanay na akong sa tuwing may nagagawang kasalanan ang aking kapwa, papatawarin ko sila at kakalimutan na lamang ang nangyari. Naiinis ako dahil doon.

A Tale In Evernight [ ✓ ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon