Kabanata 16

2.4K 183 3
                                    

Parang timang akong tumulala sa kawalan. Maaga akong umalis sa tinutuluyan namin kanina upang tumungo papunta sa silid-aklatan. May iniwan na susi sa ilalim ng paso si Binibining Liber kaya ako na lang din ang nagbukas nito.

Kaya pala marami ang may ayaw maging tagapagbantay rito, nakakabagot kasi. Ilang oras na akong nakaupo ngunit wala pa ring napasok na kahit na sino.

Nakapaglinis na rin ako ng isang istante at naayos ko na rin iyon, ngunit wala pa rin talagang bumibisita. Maayos pa kasi tingnan ang ibang istante atsaka masiyadong mataas ang isang ganoon kaya tinamad na rin agad akong ipagpatuloy ang paglilinis.

Tumayo ako mula sa aking upuan at tumungo sa seksyon kung saan nakalagay ang mga aklat tungkol sa kasaysayan. May nakita akong libro tungkol sa mga magice, kinuha ko iyon pati na rin ang aklat tungkol sa lux at nox.

Saktong pagbalik ko sa aking pwesto ay may dalawang pigura ang pumasok.

Agad kong inihanda ang aking ngiti upang salubungin sila. Unti-unting bumaba ang kurba sa aking labi nang nakita ko kung sino ang buena mano sa aklatan.

"Hindi mo ba nais ang presensiya namin, binibini?" bungad ni Yerachmiel.

"Hindi naman po sa ganoon, Hene--Yerachmiel," sambit ko. "Nagulat lamang po ako. Hindi ko inaasahan na tatapak sa silid-aklatan ang isang Kabalyero. Batay kasi sa mga naririnig ko sa inyo, punong-puno na raw po kayo ng mga kaalaman."

"Malaking kuro-kuro lamang ang narinig mo tungkol sa amin," natatawa niyang saad. "Marami rin kaming naririnig na mga bali-balita tungkol sa amin ngunit iilan lamang ang totoo roon. Ano nga ba ang pinakabago?"

"Nakipagkasundo ang isang Kabalyero sa mga Kali?" agad kong sinapok ang aking mga labi.

Natahimik si Yerachmiel sa sinabi ko. Nakita ko ang kabado niyang paglunok. Pilit siyang tumawa at napatingin kay Gabriel.

"Hindi iyon ang pinakabago, binibini. Matagal na mula nang nangyari iyan at pinagbayaran na rin ng traydor na iyon ang kaniyang ginawa. Hindi ba, Gabriel?" siniko niya si Gabriel ngunit wala itong kibo.

"Si Dalibora Vianu, hindi ba?" pinigilan ko ang sarili ko na pumiyok.

"Siya nga," pagsasalita ni Gabriel. "Ang mga kamay ko mismo ang tumapos sa buhay niya ngunit hindi pa ako nakukuntento roon. May isa pa akong kailangang tapusin."

Itinayo ko ang libro na aking binabasa at itinago ang aking mukha.

"Erathaol, tinatakot mo ang binibini," ani Yerachmiel. "Nga pala, maaari mo bang ituro sa amin kung saan matatagpuan ang mga pahayagan?"

Itinuro ko ang ikalawang palapag.

"Maraming salamat, Binibining..." nag-aabang na sabi ni Yerachmiel.

"Akatsuki."

Pinagmasdan ko silang umakyat patungo sa ikalawang palapag. Nang naglaho na sila sa aking paningin, nagbuntong-hininga ako. Nagpatuloy ako sa pagbabasa hanggang sa may panibagong dumating na naman.

Saglit ko lamang siyang tinapunan ng tingin bago bumalik ulit sa pagbabasa.

"Grabe ka naman sa akin, binibining tagapagbantay, hindi naman kita--" balot na balot ng katahimikan ang aklatan at kahit na hindi naman ganoong kalakas ang pagkakabigkas niya, tila umaalingawngaw ang bawat salita niya. Bago pa man siya matapos sa kaniyang pangungusap ay agad ko siyang sinenyasan na manahimik.

"May iba pa bang mga tao rito?" nagugulumihang tanong niya. Mas lalo kong diniin ang pagsenyas sa kaniya na manahimik. "Tanging mga Kabalyero lamang ang mga nilalang na maaaring pumasok sa ganitong lugar. Sila lang naman ang may mga kasapi na gahaman, sa kapangyarihan, sa kaalaman at sa kung anuman tulad na lamang ng heneral na may pal-Aray!"

A Tale In Evernight [ ✓ ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon