Kabanata 19

1.9K 166 3
                                    

Nakarinig kami ng pagsabog na siyang umalerto sa aming dalawa ni Ivy.

"Ano 'yun?"
"May naglalaban daw sa tapat ng aklatan."
"Talaga? Bakit daw?"

Rinig ko ang ilang mga mamamayan na nagtatakbuhan patungo roon.

"Mga non-magice valere?"
"Hindi. Mga may kapangyarihan at higit pa roon, elemental valere pa sila. Aqua at ignis."

Nagkatinginan kaming dalawa ni Ivy. Dalawa lang naman ang kilala naming aqua at ignis valere na narito at ang dalawang iyon, kapag nabigyan ng pagkakataon ay mag-aaway at mag-aaway talaga.

"Mawalang-galang na, mga binibini. Hindi ko sinasadyang mapakinggan ang pinag-uusapan ninyo. Marahil kilala ng isa sa inyo kung sino ang dalawang elemental valere na nag-aaway, maaari ko bang malaman ang kanilang mga pangalan?" tanong ko sa kanila.

"Si Ginoong Charles Smith ang isa sa kanila at ang ignis valere naman... Isa sa mga Heneral ng mga Kabalyero. Ano nga ba ulit ang pangalan niya?" akma siyang nag-iisip.

"Erathaol Gabriel?" ani Ivy. Tumango-tango naman siya.

Dahil sa sinabi nilang iyon, walang pag-aatubili kaming tumakbo ni Ivy papunta roon.

Winasiwas ko ang aking mga kamay dahil sa usok na nakapalibot doon. Sumingit-singit kaming dalawa ni Ivy. Medyo nahirapan pa kami dahil ang daming fangirls na nakapalibot at ayaw magpadaan. Mabuti na lamang at namumukhaan nila ang kasama ko kaya pinapadaan nila kami, sa ayaw o sa gusto nila.

Sina Heneral Gabriel at Charles nga ang naglalaban sa tapat ng aklatan. Parehong may mga magic circle sa harap ng kanilang mga palad.

Kulay asul ang nasa kamay ni Charles at pula naman ang na kay Heneral Gabriel.

"Kahit kailan talaga, Smith, inuuna mo pang gamitin ang emosyon mo kaysa sa iyong isip," sambit ni Heneral Gabriel.

"Hanggang wala kayong konkretong ebidensiya, hindi ko hahayaang mapasainyo si Deborah. Hindi ko hahayaang dumihan ninyo ang pangalan niya," sagot naman ni Charles pabalik.

"Nasa harapan mo na ang patunay, kailangan mo na lamang imulat ang mga mata mo."

"Mulat na mulat ang mga mata ko, Gabriel, Heneral Gabriel. Hindi tulad mo noong winakasan ng Prinsesa ang buhay niya sa harap mo. Mas pinili mo na lang na ipikit ang mga ito at tanggapin ang mangyayari sa kaniya, sa halip na abutin siya."

Lagot.

Nilabas ng Heneral ang espadang nakasuot sa lagayan nito sa likuran niya. Bigla namang nag-apoy ito.

Si Charles naman ay nagpalabas ng tubig at pinorma ito sa hugis na espada. Pinatigas niya ito at ginawang yelo.

Hindi ba iyon matutunaw kapag tumama sa espadang apoy ni Heneral Gabriel?

Sabay nilang sinugod ang isa't isa ngunit bago pa man magtagpo ang mga sandata nila ay bumuka ang lupa at isang malaking puno ang lumitaw sa harap nila. Napaatras sila pareho.

"Itigil niyo na ang paglalabanan na ito. Kung nais niyong magpatayan, gawin ninyo ngunit huwag dito sa Elanoris," sabi ni Ivy. Naglakad siya papunta sa kanila. "Ito ang unang babala ninyo. Sa susunod na manggulo kayo, sisiguraduhin kong mabibigyan kayo ng karampatang parusa. Maliwanag ba iyon?"

Ibinalik ni Heneral ang kaniyang espada sa lagayan nito. Ganoon din ang ginawa ni Charles sa espada niya. Binalik niya ito sa pagiging tubig at pinalitaw ang kaniyang magic circle upang higupin ito.

Mabuti na lamang at kumalma na ang dalawang iyon. Naglakad papalayo roon si Charles. Napatingin muna siya sa akin at mukhang naiinis pa rin siya. Agad ko naman siyang sinundan.

A Tale In Evernight [ ✓ ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon