Kabanata 45

1.9K 153 1
                                    

Napuno lamang kami ng katahimikan hanggang sa makalabas kami ng guild nila. Tiningnan ko ang labas ko nito at kung angkop lamang sa atmospera ngayon, mapapahanga muna ako rito.

Tinuwid ko ang aking tingin at nakita ang isang malawak na hardin. Sa sobrang lawak nito, napakalayo pa ng gate mula rito sa mismong mansiyon kaya naman ay may karwaheng nakaparke sa harap ko. Pumasok doon si Andromalius at sinenyasan ako kaya ginaya ko siya.

Kami lang dalawa ang nasa loob.

"Sa tingin mo ba, sapat nang mahal mo siya upang buhayin mo ulit ang Maleficis?" hindi ko na napigilan pa ang aking sarili at napatanong na ako. "Handa kang makitang nahihirapan ang ibang tao para lamang sa nais mo?"

"Wala akong pakialam sa ibang tao. Wala akong pakialam kung masaktan sila dahil sa gagawin ko. Kailan ba sila nagkaroon ng pakialam sa akin?"

Hindi rin pala naging maganda ang trato sa kaniya ng mga tao rito. Totoo nga ang sinabi ni Mama. Sila mismo ang naghahatid sa kanilang mga sarili patungo sa ikapapahamak nila. Dahil sa panghuhusga nila sa mga taong kagaya nina Nox at Andromalius, hindi nila alam na may binubuo na silang lumot sa kanila. Ni hindi man lang sumagi sa kanilang isipan na tao rin sila, may damdamin kaya masasaktan sila at magdadamdam sa mga binibintang pati na rin ang kanilang pagtrato sa kanila.

Alam kong kinimkim lang din nila ang lahat ng iyon dahil ayaw nilang saktan ang kanilang mga mahal sa buhay. Ngunit habang patuloy nila itong sinasarili, nadadagdagan na lamang ang lahat ng ito hanggang sa umabot sa puntong kamuhian na nila ang halos lahat ng ito.

Hindi ko maikukumpara ang naranasan nila kaysa sa aking esperyensiya. Mas malala ang nangyari sa kaniya kumpara sa akin at mas matagal nilang naranasan ito. Mas matagal silang nagtiis kaya hindi ko rin naman sila ganoong masisisi kung ganito nga ang gagawin nila.

"Paano kapag muling nabuhay ang Maleficis at ang una niyang gawin ay saktan kayo?" tanong ko na nagpaestatwa sa kaniya.

"Hindi niya iyon gagawin," pirmi niyang sagot.

"Hindi ba at ang sabi mo, huli mo siyang nakita at nakasama ay mula nang nalaman niyang gusto niya si Lux? Hindi na siya bumalik pa, matapos niyon. Noong mga panahong hindi mo siya kasama, alam mo naman siguro ang mga ginawa niya, hindi ba? Iba na ang kilala mong Nox sa bubuhayin mo ngayon," seryoso kong sabi. Hindi ko tinanggal ang tingin ko sa kaniya.

"Hindi ka nakakasiguro."

"Kung ayan ang paniniwala mo," ngumisi ako sa kaniya. "Hindi na ako aapela pa sa iyo, hahayaan kita kung gusto mong mabuhay ang Maleficis. Tutulungan kita roon pero sa oras na subukan niyang patayin ka at kayong mga Alipin, hindi ko kayo tutulungan."

"Hindi mo rin naman kami matutulungan kahit na mangyari nga iyon," ngumiti lang ako sa kaniya nang sinabi niya iyon.

Maya-maya lamang ay pumasok kami sa loob ng kagubatan. Nagpatuloy pa ang pag-andar ng karwaheng lumululan sa amin hanggang sa makarating kami sa loob-looban kami. Bumaba ako sa karwahe.

May labing-dalawang mga naka-cloak ang nakapalibot sa isang kabaong. Sa ibabaw niyon ay mayroong higaan na may butas sa gitna. Pinapunta nila ako roon at komportableng humiga. Wala naman na akong magagawa pa.

Nasa loob kami ng kagubatan at napapalibutan ako. Siguro naman akong hindi mga non-magice valere itong mga 'to dahil mayroong magic circle na nakalitaw sa tapat ng kanilang mga palad na nasa ere.

Sabay-sabay silang napatingala kaya ako rin ay napatingin sa kalangitan. Unti-unti na ring nagiging kulay dugo ang buwan. Narinig ko na nagsalita si Andromalius at nagbilang mula sampu pababa.

“Isa,” pagkabanggit niya niyon ay tuluyan na ngang napintahan ng pula ang buong buwan.

Nagsimula silang magsalita sa lenggawaheng hindi ko maintindihan. Sabay-sabay silang nagsasalita. Ramdam ko ang biglang pagtaas ng balahibo sa aking katawan dahil sa kanila. Masiyadong nakakatakot kapag ikaw ang niriritwalan.

A Tale In Evernight [ ✓ ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon