Kabanata 36

1.8K 160 3
                                    

Noong mga naunang araw pala, hindi nila pinaparinig ang mga nagiging usapan ng mga kalahok. Ngayon pa lamang nila ito gagawin. Sa palagay ko, gusto lang nilang makiusyoso sa dalawa.

"Hindi ikaw ang nais kong makausap ngayon ngunit dahil matagal ko na rin namang hinihintay ang pagkakataon na ito. Kaya naman ay hindi ko na ito palalampasin pa," sabi ni Erathaol.

"Matagal ko na ring hinihintay ang oras na ito, Heneral," isang mapaglaro at malawak na ngiti ang nabuo sa labi ni Charles.

Sabay nilang pinalabas ang kanilang mga magic circle at nagbatuhan ng mga bolang apoy at bolang tubig sa isa't isa.

Napahikab ako. Batuhang bola na lang ba gagawin nila? Kailangan atang may magbanggit kay Titania para maging matindi ang laban nila, a.

Mukhang napagod na sila sa pagbabatuhang bola kaya naman ngayon ay naglalaban na sila gamit ang kanilang mga sandata.

Nilabas ni Erathaol ang kaniyang espada at si Charles naman ay gumawa rin niyon. Sa bawat pagwasiwas ng isa, mabilis naman itong nahaharangan ng isa pa.

Mukhang unti-unti na rin silang nawawalan ng pasensiya sa isa't isa at gusto ng tapusin ito.

Parehong magkatapat ang kanilang mga espada at mariin silang nakatitig sa isa't isa.

Napatikhim ako at nilayo ang aking tingin. Baka kung ano maisip ko.

Muli lamang akong tumingin sa kanila nang narinig kong maghiyawan ang mga tao.

Tumulo sa lupa ang espadang likido ni Charles. Napahawak siya sa kaniyang kanang baywang. Wala na ang piraso ng kaniyang damit doon at namumula ito. Binasa niya ito.

Umatras naman si Erathaol. Nang bahagyang malaki na ang kaniyang distansiya mula kay Charles, pinalabas niya ang kaniyang magic circle.

Isang malaking bolang apoy ang pinadala ni Erathaol kay Charles. Tatlong beses ang laki nito sa kanila. Napatingin ako kay Charles, kakayanin niya kaya? Sabi niya noon, hindi siya tulad ni Erathaol na malaki ang kapasidad na makapaglikha ng sariling magice.

Masiyadong malaki ang atake na papunta sa kaniya. Kakayanin kaya niyang tapatan iyon?

Itinaas ni Charles ang kaniyang dalawang palad at isang malaking magic circle ang lumitaw sa tapat niyon. May mga tubig na lumabas mula roon na naging pader. Matagumpay niya namang naapula ang malaking bolang apoy. Ngunit kapalit niyon ay ang pagbagsak ng isa sa kaniyang mga tuhod sa lupa.

Napatayo ako mula sa aking kinauupuan. Sabi ko na nga ba. Hindi ba siya nag-ensayo upang mapalaki ang kakayahan niyang iyon?

"Ano pong nangyari kay Manong Charles, Manang Yuyami?" sabay na tanong nina Dusk at Dawn sa akin.

"Hindi tulad ng kaniyang ina, limitado lamang ang kakayahan ni Charles na makagawa ng sariling tubig. Masiyadong malaki ang dapat niyang ilabas upang pigilan ang atake ni Heneral Gabriel. Kakailanganin niya munang bawiin ang kaniyang lakas," paliwanag ni Pinunong Nurphus.

Ano na kaya ang mangyayari? Wala pa naman siyang dala-dalang sandata.

"Matatalo na po ba si Manong Charles, Impong Nurphus?" tanong ni Dusk.

"Wala ba kayong tiwala sa Manong ninyo?"

"Atsaka sa tingin niyo ba, madali lang siyang magpapatalo? Maraming mga babae ang nanonood sa kaniya ngayon, hindi p'wedeng hindi siya magpasikat," nakangiti kong sabi sa kanila. Umupo ulit ako. Tama, tama. Siguro pakana niya lang ito upang magpasikat.

Nakaluhod pa rin siya sa sahig. Tiningala niya si Erathaol at sumuka ng dugo. Nanlaki ang aking mga mata. Hindi maaari na isang palabas lamang ang isang ito.

A Tale In Evernight [ ✓ ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon