Kabanata 50

2.4K 170 12
                                    

Hindi pa rin ako makapaniwala sa sinabi ni Charles kanina. Parang hindi mahihirapan ata ako matulog para lamang tuluyang maiproseso ng aking utak ang mga binitiwan niyang salita.

Alam ni Titania ang tungkol sa akin at handa raw siyang mamatay para lamang ako ang mamuno sa Evernight. Noong namatay siya, nasa ibang mundo raw si Charles. Ngunit wala akong naaalala na pagkakataon kung saan nakakilala ako ng iba pang taga-Evernight maliban kina Era at Thaolus.

Bigla namang kumalam ang sikmura ko. Hindi kasi ako makasabay sa pagkain ng iba pang mga prinsesa dahil sa ayaw naman nila akong makasama. Kakaiba rin ang tinging binibigay sa akin ng mga ina nila. Narinig ko kanina na naiinis daw sila sa akin dahil paborito raw ako ng reyna, ang lakas ko raw sumipsip sa kaniya. Kaya lamang daw ako ganoon upang hindi raw ako makulong.

Hindi ko na lamang pinansin ang mga tsismis na iyon. Bahala silang isipin kung ano ang gusto nilang isipin sa akin, katulad na lamang ng ginagawa ko dati. Ngunit kung alam kong sumusobra na ito, hindi ko naman hahayaang mananahimik na lamang ako.

May mga katok akong narinig na nagpabangon sa akin. Binuksan ko ang pinto at nakita ko si Yerachmiel na may hawak-hawak na naka-rolyong itim na papel. May kalahating puti at kalahating itim na laso. Nakasulat doon ang aking pangalan na Yuyami Akatsuki Vianu.

"Ito ang nais ibigay ni Ginoong Salazar sa amin kanina ngunit pinadala na lamang niya ito sa aming mga silid upang hindi maging kahina-hinala. Mayroon ding isa para sa iyo," inabot niya sa akin ito na tinanggap ko naman.

Binuklat ko ito at binasa ang nakasulat dito. Nagtataka ko naman siyang tiningnan. Walang nakasulat dito at bakante lamang.

"Gamitin mo ang iyong kapangyarihan at iyong makikita," sabi niya. Tumango naman ako at ginawa iyon. Itinapat ko ang aking kanang palad doon at ginamitan ng kapangyarihan.

May mga letrang unti-unting nabuo rito. Pinanood ko lamang na ganoon ang mangyari hanggang sa mabuo ito.

꧁ 𝕮𝖑𝖆𝖘𝖘 🅢🅢🅢 𝕸𝖎𝖘𝖘𝖎𝖔𝖓 ꧂

Iligtas ang dating Hari ng Evernight at wakasan ang pamumuno ng Maleficis.

Pabuya: Kapayaan at kaayusan sa Evernight.

Detalye: Sa tahanan ng angkan ng huling mga terra valere, isang lagusan papunta sa ibang mundo ang nagbubukas sa tuwing sumasapit ang kabilugan ng buwan at manatiling nakabukas hanggang sa matapos ang isang araw.

Kumunot ang aking noo. Isang misyon? Mayroon ding nakalakip na mapa rito. Nasa Timog na bahagi ito ng Evernight. Mukhang mahaba-habang paglalakbay ito kapag nagkataon.

Sa susunod na kabilugan ng buwan ang nabanggit niya rito kakatapos lamang nito noong nabuhay ang Maleficis. Ibig sabihin lamang ay sa susunod na buwan pa ito magbubukas ulit.

Kung kailangan namin silang iligtas, ito lamang ang tanging paraan. Hindi namin maaaring gamitin ang portal doon sa Elanoris dahil ang susi nito ay ang korona ng Maleficis.

Sila lamang ang alam kong makakatalo sa kaniya kaya mahalagang makabalik sila rito. Sasama ako sa misyon na ito dahil baka mawala sila sa ibang mundo.

"Bago bumaba sa pwesto niya si Ginoong Salazar, ginawa niya ang misyon na iyan. Mukhang may iba pa siyang mga pinagbigyan niyan ngunit hindi ko alam kung sino-sino ang mga ito. Ang alam ko pa lamang na binigyan ng ganiyang misyon, ay ako, ikaw, at si Erathaol," paliwanag niya. "Tatanggapin ba natin ito?"

A Tale In Evernight [ ✓ ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon