Bumalik muna ako sa tinutuluyan ko. Agad naman akong nilapitan ni Luna pagkapasok ko sa loob. Pinuntahan ko ang kainan nila at nang nakita ko na wala ng laman ito ay pinunan ko.
Binagsak ko ang aking katawan sa kama. Puros lakad, pasyal at gala ang ginawa ko buong araw. Nakakapagod.
Kinuha ko ang aking cellphone sa bag at nagpatugtog. Hindi uso ang Wi-Fi sa lugar na ito kaya hindi ako makapaglaro ng Cafeland. Napakaepal naman. Kinick na kaya ako roon sa club na kinabibilangan ko? Ilang araw na akong inactive doon.
Hindi ko rin naman p'wedeng ensayuhin ang aking magice dahil baka may mga makaramdam na naman nito. Sa halip na sa salarin ang tuon nila, mapunta pa sa akin. Ayaw ko naman na ganoon.
Inaantok na talaga ako. Makatulog nga muna.
Nagising ako dahil sa ingay na naririnig ko mula sa kabilang kwarto, sa kwarto ni Charles. Parang tunog na may binabayo.
Wala sa sarili kong ginamit ang aking magice at gumawa ng bola ng liwanag. Itinapat ko iyon sa pader na nasa pagitan ng aming mga silid, parang niyayanig iyon at anumang oras ay masisira na.
Palakas nang palakas ang tunog na nanggagaling doon hanggang sa... tuluyan na ngang nagiba ang pader na nasa harapan ko.
Madilim din ang silid niya na iyon ngunit dahil sa bolang liwanag na ginawa ko, kitang-kita ko ang ayos niya at ang posisyon nila. Agad kong nilayo ang aking tingin dahil pang-18+ ito. Napapikit ako dahil naririnig ko pa ang tunog ng bawat pagtama ng kanilang mga balat at bawat paghihiwalay ng kanilang mga labi.
Agad kong pinalaho ang liwanag at tumalikod sa kanila. Pumunta ako sa pindutan ng ilaw at binuksan ito. Natigilan si Charles na nakapatong sa babae at unti-unting tinaas ang tingin patungo sa akin.
"Yuya...mi?" nawala ang ngiti sa kaniyang mga labi at tila kinabahan.
"O, Charles, akala ko ba iimbestigahan mo ang nangyayari rito? Bakit parang iba ata iyong iniimbestigahan mo?" sarkastiko ko siyang nginitian. Tama nga si Gabriel, mambabae lamang siya.
"H-Hin-M-Mali ka ng pagkakain-" pinutol ko siya
"Shhh. Ituloy niyo na lamang ang ginagawa niyo riyan. Hayaan niyo na ako rito," sambit ko at kinumpas ang aking mga kamay.
Gumalaw ang kamang kinalalagyan nila papasok doon sa silid nila. Ang mga sementong gumuho kanina ay isa-isang lumutang sa ere at nagsibalikan sa pwesto nila sa pader.
Tsaka ko lamang napagtanto, ako ba ang may gawa niyon? Seryoso ba iyan? Seryoso talaga? Paano?
Kumuha ako ng isang plorera at tinapon iyon sa sahig. Nagpokus ako sa orihinal na hugis niyon at tinutok ang aking palad doon. Lumabas ang kulay puting magic circle at parang isang puzzle, unti-unti itong nabuo. Binalik ko ito sa naunang lagayan.
Napaawang ako ng aking bibig at impit na napatili. Nilagay ko ang aking mga kamay sa aking bibig dahil hindi ako makapaniwala.
Hindi na lamang maging flashlight at maging tagapagpagaling ng sakit ang kaya ko! Kaya ko na ring maging karpentero at mag-ayos ng mga gamit. Astig!
Maganda sana kung pinagdiriwang ko ito kasama si Charles kaso abala siya roon sa kabila.
Pumunta na ako sa banyo upang maligo ulit.
Ngayon ang unang beses na lalabas ako ng gabi rito sa Elanoris. Dinala ko ulit ang aking kunai dahil mahirap na. Kinuha ko ang mapa at sinuksok kasama ng aking mga kunai.
Tinawag ko sina Sol at Luna pero tanging si Luna lamang ang tumugon. E 'di 'wag ka sumama, Sol. Iniwanan ko na lamang siya ng pagkain at inumin.
Paglabas ko ng kwarto, napahinto ako dahil nakaupo sa tapat ng pinto si Charles. Hindi tulad kanina, may suot-suot na siyang damit at mukhang bagong ligo lang din.
BINABASA MO ANG
A Tale In Evernight [ ✓ ]
Fantasy[ WATTYS 2021 WINNER | Fantasy ] [ TALE #1 ] Noong siya ay musmos pa lamang, laging kinukuwentuhan ng kaniyang ina si Yuyami tungkol sa isang mundong puno ng hiwaga, ang Evernight. Laman ng kuwento nito ang tungkol sa Maleficis, ang dakilang mangkuk...