Kabanata 31

2K 180 0
                                    

"Ano iyon? Bakit ganoon naging puntos mo?" tanong ko kay Charles, medyo naiilang pa ako dahil hindi ko alam kung sasagutin niya ba ang tanong ko.

"Buong oras kasi, tanging iyong Class SSS lamang nakalaban ko," sagot niya. "Mukhang ayaw naman kalabanin ng iba kaya ako lang mag-isa."

"Ah," sambit ko.

"Ikaw? Ayos, a? Pangatlo, grabe talaga."

"Sinuwerte lang na ako unang nakadiskubre paano mabigyan ng puntos. Hindi ba dapat marami ka ring puntos kung Class SSS lang kinalaban mo? Maraming bato iyong nakalagay sa halimaw na nasa lugar namin, e."

"Iisa lang ang bato ng sa amin. Hindi naman ata patas iyon?"

"Manong, Yuyami! Mukhang nagkaayos na kayo, a?" lumapit sa amin si Charlie. "Mabuti na lamang at walang masiyadong nasugatan kahit na dalawa sa mga Class SSS ang nawala sa kontrol ng Konseho."

"Totoo, mabuti at walang namatay, hindi tulad noong nakaraang taon. Atsaka, may iba pa ba akong pagpipilian? Kailangan kong makasundo si Yuyami dahil magkasama kami sa iisang pangkat," sagot ni Charles.

"Naku, Manong Charles, humingi ka na ba ng tawad sa kaniya?" hindi sumagot si Charles. "O, siya, iiwan ko muna kayong dalawa. Pupuntahan ko lamang si Ina."

Nang umalis si Charlie ay wala ng nagsalita pa sa amin. Nakakabingi naman ang katahimikan.

Tumikhim siya at nagsalita.

"Napanood ko ang huling ilang minuto ng laban mo kanina. Parang alam na alam mo ang lugar na iyon at ang bawat bagay na naroon, a? Ganoon ba ang hitsura ng lugar na kinalakihan mo?" tanong niya.

"Ganoon nga maliban na lamang sa mga matataas na gusali, tanging sa mga distrito lang ng komersyo makikita ang mga ganoon, e," sagot ko. Tumango siya.

"Nais mo pa bang bumalik doon?"

"Siyempre naman. May mga kaibigan din ako roon tsaka doon din kaya ako lumaki. Isa pa, doon, wala akong kailangang alalahanin na mga Kabalyero tsaka mga kulto ng mangkukulam," natawa siya sa sagot ko.

"Ang galing mo palang pumana," komento niya.

"Akala ko nga, mahihirapan ako, madali lang pala iyon."

"Hindi ba at kasama mo si Erathaol doon kanina?" tanong niya.

"Oo," hindi ko alam kung dapat bang sabihin ko sa kaniya ang tungkol kay Bathim. Pero sa tingin ko, hindi niya naman pa siguro kailangang malaman. "Huwag kang mag-alala, wala pa naman siyang ginagawa."

"Wala pa?"

"Hindi niya pa alam ang tungkol sa akin," sambit ko. Tumango siya.

"Patawad nga pala sa iniakto roon sa Elanoris, sa sinabi ko noon. Hindi ko alam ganoon na pala ang mga nasabi ko sa iyo, hindi ko kasi talaga kayang kontrolin ang sarili ko kapag nasa ganoong sitwasyon na ako..."

"Alam ko bago pa lamang tayo makapunta sa Elanoris na si Deborah na nga ang may gawa ng lahat ng mga iyon. Noong mga bata pa kami, muntik niya ng magawa kung ano iyong nagawa niya ngayon pero gusto kong isantabi iyon at patunayang hindi siya ang salarin. Ayaw ko na mayroon na namang babaeng malapit sa akin na mapalayo dahil din sa akin mismo," dagdag niya.

Malungkot ko siyang tiningnan. Mabuti na lamang at nandiyan pa sina Charlie at Charlotte.

"Galit ka ba sa sarili mo?" tanong ko. "Sabi nina Ivy, sinisisi mo rin daw sarili mo sa pagkamatay ni Prinsesa Titania."

"Ako naman talaga ang dahilan, hindi ba?"

"H-Hindi ko alam, hindi ko pa naman nakikilala ang prinsesa kaya hindi ko alam kung anong klaseng tao siya. Pero sa ating dalawa, ikaw ang mas nakakakilala sa kaniya. Sa tingin mo ba, magpapakamatay siya dahil lamang sa hindi mo naibalik ang nararamdaman niya para sa iyo? Handa niyang iwan ang mga mamamayan ng Evernight na walang namumuno dahil lamang doon?"

A Tale In Evernight [ ✓ ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon