Kabanata 5

3.8K 239 20
                                    

Wala na sana akong balak pang bumangon kung hindi lang ako nakarinig ng mga katok.

Mula pa nang magising ako kanina, hanggang sa ngayong inaantok na naman ako, ay nakatitig lamang ako sa kisame. Gusto ko sanang kunin ang cellphone ko mula sa aking bag ngunit wala rin namang kwenta iyon. Ayaw ko na munang buksan pa iyon hangga't wala akong nalalamang pagkukuhanan ng enerhiya para mai-charge ito.

Sinalubong ko ang kung sinumang kumakatok habang kinukusot-kusot pa ang aking mga mata. Katatapos ko lang humikab nang binuksan ko ang pinto.

"Ang bilis naman atang humaba ng buhok mo, Yuyami," bungad ni Charles.

Nanlaki ang aking mga mata. Agad kong sinara ang pintuan at isinuot ang itim na salamin. Tiningnan ko muna ang sarili ko sa salamin. Nang nakasiguro ako na nagbago na ang aking hitsura, muli ko siyang pinagbuksan ng pinto.

Pinanliitan niya ako ng mga mata. Umiling muna siya bago magsalita.

"Siguro ay namamalikmata lamang ako kanina," bulong niya na narinig ko naman. Umubo siya at diretsong tinignan ako. "Mag-ayos ka na. Maya-maya ay aalis na tayo."

"Saan ako p'wedeng maligo?" tanong ko.

"Sa palikuran. Magdala ka na agad ng damit," tumango naman ako sa kaniya.

"Salamat," sabi ko. Umalis na siya matapos n'on.

Lumapit ako sa bag na dala-dala ko kahapon at binuksan iyon. Naghanap ako ng maisusuot na hindi mukhang pambabae. Mabuti na lamang at puros pantalon ang mayroon ako. Kumuha ako ng isang maong at t-shirt.

Nagbuntong-hininga ako. Mukhang kailangan kong bumili ng mga damit.

Nakasalubong ko si Charlie nang pabalik na ako sa aking silid. Tsaka ko naalala na may dapat pala akong tanungin sa kaniya.

"Charlie!" tawag ko sa kaniya. Agad naman siyang tumugon sa tawag ko. "May kailangan ba akong dalhin?"

"Sarili at mga damit, siguro ay iyong sasapat na sa isang linggo. Tutungo pa tayong Asani matapos ng misyon ko," sagot niya.

"Salamat!" magpapatuloy na sana ako sa paglalakad nang biglang bumukas ang malaking pinto.

Naramdaman kong halos manghina ang aking mga tuhod sa nakita, mabuti na lamang at agad akong nakahawak sa lamesang nasa likod ko.

Sino ba naman kasi ang hindi matatakot kung isang lobo ang bigla mong makikita? Hindi lang isang basta-bastang lobo, lobong nakabihis na nakatatayo at nakapaglalakad pa sa ganoong posisyon. Mas matikas din ito kaysa sa ibang mga lalaki na kakilala ko.

"Dark," napahawak ako sa aking dibdib nang biglang lumitaw mula sa kung saan si Charles. "Malamang ay narito na rin si Riley."

Nagsimulang maglakad iyong lobo. Sa likod niya ay isang taong naka-hood. Huminto sila sa harap namin. Napalunok ako ng aking sariling laway.

Tinanggal ng naka-hood ang humaharang sa ulonan niya.

Sumalubong sa akin ang kulay asul na may pagkaabong mga mata niya. Itim na itim din ang kaniyang buhok na naka-undercut. Levi Ackerman? Pero napakatangkad naman ng isang ʼto para maging si Levi.

Pinagtagpo ko ang aking mga kilay nang may mapansin ako. Masiyado atang diretso ang tingin niya sa akin na sa tingin ko ay tumatagos na ito.

"Ginoong Charles, maaari ba akong humingi ng pabor?" nanlaki ang aking mga mata nang nagsalita ang lobo. "Ang susunod na SSS na misyon, maaari bang ibigay mo muna ito kay Ginoong Riley?"

"Bakit ko naman iyon ibibigay?" tanong ni Charles.

"Ang misyon na iyon ay may kinalaman sa isang demonyo. Isang demonyong pumatay sa aking pamilya. Gusto ko sanang ako ang gumawa niyon sa kaniya," sagot ng lobo.

A Tale In Evernight [ ✓ ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon