Chapter 23 : Pharmacy

194 16 0
                                    

23 : Pharmacy




Eunice's P.O.V.,

"Can't sleep?"

Napalingon ako sa likuran ko nang may magsalita. Marahan siyang lumapit at umupo sa upuang nasa harapan ko.

"Gano'n na nga," sagot ko bago humigop ng kape. Hindi ko alam kung pang-ilan ko na 'to, at kung ilan pa ang kailangan ko para mabuhayan ako ng dugo. Sa dami ng mga nangyayari ngayon sa paligid namin, hindi ko alam kung may puwang pa ba ang pagtulog.

It's almost 4 AM at hindi pa rin ako inaantok. Hindi ko alam kung dahil ba ilang kape na ang ininom ko buong magdamag, o dahil sa plano naming pag-alis mamaya.

"You know we can always cancel the plan," sabi ni Charles bago niya hawakan ang kamay kong nakapatong sa lamesa. "We can just stay here, until we can assure that there's really a safe place," dagdag pa niya.

Alam kong nag-aalala siya at nagdududa sa mapang pinakita sa amin ng mga tinulungan nila kahapon, pero last resort na namin 'yon. Kung hindi namin susubukan ngayon, baka mas lalo lang kaming mapahamak kakahintay sa assurance na hinahanap niya.

Nginitian ko lang siya bilang tugon.

Hindi ko alam kung anong naghihintay sa amin ngayong araw. Pero kailangan na naming maghanda para sa pinakamasamang bagay na p'wedeng mangyari.

- - -

"Kailangan na nating magmadali, baka mahirapan tayong maghanap ng mas mabilis na ruta sa daan," ani ni Charles habang bitbit ang malalaking bag laman ang mga bagay na maaari naming kailanganin. Nilalagay niya lahat ng 'yon sa compartment ng sasakyan niya.

"Tara na," tawag ko kay Hershie bago siya hawakan sa kamay.

Inalalayan ko siyang makasakay sa passenger seat.

"Si Richard?" tanong ni Charles sa akin.

"H-hindi ko alam, nasa loob pa yata," sabi ko. "Sandali, tatawagin ko lang."

Pumasok muli ako sa loob ng bahay. Akala ko mahihirapan pa ako sa paghahanap kay Richard, pero natagpuan ko lang siyang nakatingin sa family picture sa may sala. May mga bitbit siyang malalaking bag. Siguro mga personal na gamit niya ang laman ng mga 'yon.

Mabuti talaga't may kotse kaming dala. Marami kaming gamit na p'wedeng dalhin.

"Richard," pagtawag ko sa kaniya. "Kailangan na nating umalis."

Lumingon siya sa akin bago muling tiningnan ang larawan nilang pamilya. Ngumiti lamang siya rito bago kami sabay na lumabas. Sinarado niya ang pintuan ng bahay bago kami tuluyang pumasok sa loob ng kotse.

Katabi ko si Charles sa may driver's seat. Katabi naman ni Richard si Hershie sa likod.

Malalim na buntong hininga ang pinakawalan ni Charles bago niya buhayin ang makina ng sasakyan. Dali-dali naming nilisan ang bahay ni Richard, at maingat na binaybay ang makipot na daan palabas papuntang main road.

Katulad ng inaasahan ko, marami pa ring katawan ng mga namatay sa kalsada.

Hindi ko alam kung nasaan ang gobyerno namin ngayon. Nakalimutan na kaya nila kami? o masiyado lang malayo ang lugar na 'to at hindi na abot ng kakayahan nila? Iniisip ko na lang ngayon na sana, may ginagawa sila sa mga oras na 'to, para matulungan kaming lahat.

"Dadaan muna tayo ng gasoline station," sabi ni Charles.

Tumango na lang ako bago tumingin sa dinadaanan namin.

Who would have thought na magiging ganito kagulo ang mundo in less than a year? Masiyado ba nating sinulit ang pagiging tao kaya ginagantihan na tayo ng panahon? Ang dami kong gustong maranasan sa buhay, pero hindi kasama ang apocalypse na 'to.

SuicidiumTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon