Chapter 14 : Richard

260 23 0
                                    

14 : Richard

Hindi ko alam kung saan na kami napadpad pagkatapos naming kuhain ni Charles lahat ng mga gamit na sa tingin namin ay kakailanganin namin. Nagdala si Charles ng portable bed, mga unan at kumot para kung sakaling may mapuntahan kaming safe zone, hindi kami mahihirapan.

Nakahinto ngayon ang kotse dahil madaling araw na. Wala rin kaming alam na pupuntahan ngayon. Sa bawat dinadaanan namin, kalat ang mga patay na tao. Ang daming bangkay. Kahit pa sarado ang bintana ng sasakyan, naaamoy pa rin namin ang mga nabubulok na karne, at masangsang na amoy ng naaagnas na mga bangkay. Pati ang mga dugo nilang nanuyo na sa kalsada at sa mga pader na tinalamsikan nito.

Sinubukan naming buksan kanina ang radyo, pero mukhang wala na ang mga taong nagbabalita, at maging ang mga taong nag-aasikaso para sa mga network. Gano'n din kasi sa mga cellphone namin. Hindi ito gumagana at palaging walang nasasagap na signal. Wala tuloy kaming magawa kung hindi ang maghintay kung kailan namin malalaman ang talagang nangyayari.

Napatingin akong muli sa batang nasa backseat. Simula nang sumakay siya sa kotse, hindi na siya nagsalita pa. Hindi na rin siya umiyak. Kanina tinanong namin kung hindi ba siya nagugutom o nauuhaw. Pero tiningnan lamang kami nito. Inabutan namin siya ng biscuit mula sa store na pinuntahan namin kanina, at isang bote ng tubig. Mabuti nalang at tinanggap niya 'yon. Halata naman sa kaniya na gutom na siya at mukhang pagod na pagod.

Nakakaawa nga lang dahil maaga siyang naulila sa ina. Tinanong ko siya kanina kung may kapatid ba siya, kung nasaan ang tatay niya o ang mga kamag-anak niya. Pero tulad ng mga nauna, tiningnan lang ako nito at hindi manlang nagabalang sagutin ako. Sinabi ni Charles na hayaan muna naming makapagpahinga si Hershie. Malamang may trauma ang bata dahil sa nangyari sa mama niya. Tumango nalang ako at sinunod ang sinabi niya.

Kaya heto kami ngayon at nakatigil sa mataas na bahagi ng syudad. Kaunti ang mga taong naninirahan dito, kaya mas kaunting atensyon ang maibibigay dito ng mga psycho. Isa pa, mukhang wala na ring taong nakatira rito dahil nang dumating kami sa parteng ito ng syudad, sobrang tahimik na. Kaya walang makakagawa ng ingay para masundan ng mga psycho.

"Hindi ka pa ba matutulog?" Tanong ni Charles kaya napalingon ako sa kaniya. Bahagyang nakababa ang upuan namin para makahiga kami ng maayos. Solo naman ni Hershie ang backseat kaya nakahiga siya ng maayos.

"Hindi ako makatulog," tangi kong tugon bago muling tumingin sa labas ng katabi kong bintana. Sinubukan kong matulog. Pero hindi ko talaga kaya. Palaging pumapasok sa isip ko kung nasaan na sila Mandy ngayon. Kung bakit kinailangan nilang umalis sa bahay ni Charles. Kung ayos lang ba sila at kung makikita pa ba namin sila.

"Stop thinking too much, Eunice," sabi ni Charles kaya napalingon muli ako sa kaniya. Nakapikit siya pero alam niya pa rin kung anong pumapasok sa isip ko. Siguro parehas kami ng iniisip ngayon.

"Hindi mo ako masisisi Charles. Hindi naman natin alam kung anong nangyari kila Mandy habang wala tayo. Paano kung may napuruhan sa kanila? May bata silang kasama. Saan naman sila pupunta? Safe ba do'n? At paano nga kung may napuruhan sa kanila? Walang doktor ngayon. Halata namang walang nasa serbisyo ngayon," tuluy-tuloy kong saad. Hindi ko mapigilang ma-frustrate at magisip ng kung anu-ano.

"Eunice, stop being nega. Pharmacist si Mandy. Kung may napuruhan man sa kanila, I'm sure she can, at least put first aid. At hindi sila papabayaan ni Claude," sabi ni Charles. He held my hand gently, as if trying to calm me. "Stop thinking about the things we don't have control. Ikaw lang ang mababaliw kakaisip," he said before closing his eyes again.

Napahinga nalang ako ng malalim. "Makikita pa naman natin sila 'di ba?" Tanong ko sa kaniya. I don't know, pero gusto ko ng assurance na makikita pa namin sila. Mandy's like a sister to me at para ko na ring kapatid si Maldi. Kaya importante na sila sa akin.

SuicidiumTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon