Prologue

1.3K 53 24
                                    

Prologue.

May limang sintomas na ipapakita ang mga taong makakakuha ng ganitong uri ng virus. Ang limang sintomas na ito ay may iba't-ibang antas. Simula sa pinakamababa, hanggang sa pinakamataas kung saan wala ng kasiguraduhan ang buhay ng pasyente.







Una, lalagnatin ito. Ang taas ng lagnat ay hindi makakalkula sa sobrang init. Parang bagong pakulo na tubig, ngunit mas mainit pa rito. Nakababasag ng thermometer ang init ng pasyente, at hindi na nanaisin pang hawakan o haplusin ng kahit sino. Ang unang stage ang magiging dahilan ng ikalawang sintomas.










Ikalawa, pambihirang lamig. Dahil sa init na naramdaman, hindi ito kakayanin ng katawan ng pasyente. Mamamatay panandalian ang katawan niya, magiging tila bangkay sa kalamigan, maninigas ang buong katawan, titirik ang mata hanggang sa akalain na ng lahat na patay na ito. Ngunit dito magsisimula ang ikatlong sintomas.













Ikatlo, kung saan ang pasyente ay mabubuhay muli. Mukhang normal at walang nangyari. Babalik sa normal na temperatura ang katawan nito, kikilos na parang walang kahit anong nangyari sa kaniya, at ipagpapatuloy ang kaniyang buhay sa loob ng isang minuto. Matapos ang isang minuto, ang ikaapat at pinakanakakatakot na stage ay mangyayari.










Ikaapat, ang pinakadelikado. Ang pasyente na lumagpas na sa isang minuto pagkatapos na muling mabuhay, ay makakaramdam ng matinding pagkabaliw. Hindi niya na maiisip ang kaniyang mga gagawin, at dagling ikikilos ang mga bagay na kaniyang nanaisin. Ito ay ang patayin ang unang biktima na kaniyang makikita. Maaaring kumitil ng ilang buhay ang mga pasyente na nasa ikaapat na antas na ng sintomas. At kapag kuntento na sila, dumadako na sila sa huling antas.















Ikalima, ang huling sintomas. Kapag ang biktima ay nakapatay na, at nakuntento sa kaniyang ginawa, nanaisin niyang wakasan na rin ang sarili niyang buhay. Para sa kaniya, ito ang kasukdulan ng kaniyang kanaisan.










Ito ay tinatawag na, Suicidium.





- - -

Secret Research Laboratory of United Nations, March 16, 2018.




Nagkakagulo ang mga tao sa loob ng sikretong laboratoryo kung saan ginagawa at tinutuklas ang panibagong gamot na dapat sana ay para sa mga taong may sakit sa pag-iisip, tulad ng bipolar disorder. Ngunit sa isang iglap, ang mga gamot na ang layunin sana ay makatulong, ay mas lalong nagpalala sa mga taong kanilang pinag-eksperimentuhan.







Tatlong taon nilang hinahanap ang lunas para sa mga taong may kakulangan sa pag-iisip, tatlong taon silang gumagamit ng mga tao upang pagsamantalahan at isubok sa mga gamot na kanilang maiimbento.







Ngunit ito ang pinakamalalang nangyari.



Nabigo ang mga pinakamagagaling na doktor at sayantipiko sa buong mundo na pinagsama-sama para sa sikretong proyekto na ito. Nabigo silang humanap ng panibagong gamot na babago sana sa takbo ng mundo.



Kapalit ng pagkabigo nila, at tsansang makagawa ng panibagong gamot, ay buhay ng lahat ng taong maapektuhan nito.

- - -

Suicidium.

SuicidiumTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon