Chapter 15 : Sych-020Di

276 21 2
                                    

15 : Sych-020Di

Masiyadong tago ang bahay ni Richard. Marami ring pasikot-sikot kaya natagalan kami bago narating ang bahay niya.

Naunang bumaba si Richard sa kotse at pinagbuksan kami ng garahe. Agad namang pinark ni Charles ang kotse bago kami bumaba ni Hershie. Tahimik pa rin ito na nagmamasid sa paligid.

Mukhang may kalakihan ang bahay ni Richard dahil maluwag ang entrada nito. May maliit ding garden sa tabi ng garahe. Maraming paso at halaman sa bawat sulok. Mahilig sigurong magtanim ang pamilya ni Richard. Nakakapagtaka lang kung bakit magisa siya, eh mukhang pamilyadong tao na siya. Hindi sa pagiging judgemental, pero kasi sa edad ni Richard, imposibleng wala pa siyang napapangasawa.

Tinulungan namin si Richard sa pagbababa ng mga eco bag na dala niya kanina.

"Tuloy kayo," sabi ni Richard pagdating namin sa malaking pintuang gawa sa matibay na uri ng kahoy. Binaba ko muna ang mga bitbit ko pagkatapos ay tinanggal ko ang suot kong sapatos. Gano'n din ang ginawa nila Hershie at Charles bago kami tuluyang pumasok.

Tama nga ako dahil malaki talaga ang bahay ni Richard. Halata iyon sa maluwag na sala. Pinaghalong puti at cream ang kulay ng buong bahay. Maraming malalaking vase, at gawa sa makintab na marble ang sahig. Nakakahiya kung may alikabok sa sahig dahil agad itong mapapansin. Napaka-aliwalas sa loob. Nakakarelax ang aura na dulot ng bahay ni Richard.

Kapansin-pansin din ang mga paintings na nakadisplay sa sala. Mas pinaganda pa ng mga picture frames ang buong lugar. May isang malaking picture frame na angat sa lahat. Lahat ng nasa litrato, pawang nakangiti lahat sa camera.

"Ito po ba ang mga anak niyo?" Tanong ko nang makita si Richard na nakangiti sa litrato, at may kasamang dalawang dalaga. Kapwa nakangiti ang mga ito.

"Sila ang kambal kong anak," sabi ni Richard bago tumabi sa akin. Napatango naman ako. Doon ko lang napansin na magkamukhang-magkamukha pala ito. Parehas ng hulma ng mukha at ilong. Pareho silang maganda at kung sino man ang ina nila, paniguradong maganda rin.

"Nasaan po sila? Nasa mama po ba nila sila?" Tanong ko pero napansin kong tahimik si Richard na nakatingin sa picture frame. Napansin ko ang lungkot sa mga mata niya kaya agad akong nakakutob ng masama. "Ka-kahit hindi niyo na po sagutin. Masiyado na po akong nanghihimasok. Sorry," agad kong saad.

Tumingin siya sa akin at malungkot na ngiti ang binigay niya. "Ayos lang," aniya. "Sabay silang namatay. Isang linggo na ang nakakalipas. Pi-pinatay sila ng nanay nila, ang asawa ko."

Hindi ko alam kung anong tamang salita ang dapat na lumabas sa bibig ko. Eunice! Ang bibig mo talaga.

"So-sorry po," saad ko.

Tumango siya. "Tara sa kusina, doon natin ipatong ang mga 'to," pagtutukoy niya sa mga dala-dala naming mga eco bag. May kabigatan ang mga ito pero hindi na ako umapela.

Sumunod kami sa kaniya sa kusina. Hindi kalayuan mula sa sala ang lokasyon nito. And believe me, kung ganito ang kusina ko, araw-araw akong magluluto. P'wede na rin akong matulog sa ganito kalinis na lugar. Parang ang sarap tuloy magluto ngayon.

"Nagbreakfast na po ba kayo?" Tanong ko kay Richard habang nilalabas ang mga laman ng eco bag. Mostly, mga gulay, prutas, bigas, instant noodles at can goods ang laman nito. Isa-isa naming nilalapag ang mga 'yon sa lamesang nasa gitna mismo ng kusina. Gawa sa malinis at matibay na kahoy ang lamesa. Pero may nakapatong na med'yo makapal na salamin dito na mas lalong nagpaganda sa istilo nito.

"Honestly, hi-hindi pa. Kaya nga ako pumasok sa isang supermarket para kumuha ng dagdag na supplies. Alam niyo na, hindi naman natin alam kung hanggang kailan itong outbreak," sagot niya bago binuksan ang ref na katabi niya mismo, at nilagay ang mga gulay at prutas sa loob.

SuicidiumTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon