Chapter 3 : Thousand Cases

511 36 5
                                    

Dedicated to : Erika_Era. Sorry kung dito na kita idededicate. Completed na kasi 'yung AJKT. Btw, thanks for the comments!

- - -

3 : Thousand Cases

"Girls, I think you need to go home na. Kami na ni Claude ang bahala sa labi ni Elmer," sabi ni Sir Arellano.

Napatingin ako kay Mandy. Nanginginig pa rin siya. Hindi ko alam kung dahil sa nangyari kanina, o dahil malamig dito sa labas at dahil madaling araw na. Tulala pa rin siyang nakatingin sa glass door ng ospital kung nasaan ang mga pulisya na nag-iimbistiga tungkol sa nangyari kanina. Sinubukan ding kuhaan ng impormas'yon si Mandy pero hindi namin siya maka-usap kaya ako ang kinuhaan ng statement.

Sinabi ko lahat ng nakita ko. Dahil bukod kay Mandy, ako lang naman ang isa sa mga nagdala kay kuya Elmer dito sa ospital. Hiningi rin nila ang number ko in case na may mga follow-up questions pa sila sa akin at kung sakaling kailangan pa nila ng mga karagdagang impormasyon.

Tumayo ako mula sa pagkaka-upo sa isang sementong upuan na nasa tapat mismo ng emergency glass door ng ospital. Nandito rin naka-upo si Mandy pero may halos dalawang dipa ang layo niya sa akin. Wala pa siyang kinaka-usap bukod kay Claude na nasa tabi niya ngayon at pilit pa rin siyang pinapakalma. Maya't-maya rin siyang lumilingon sa paligid at umiiyak. Tingin ko hindi pa rin siya maka-move on sa nangyari kanina.

Ako rin naman.

Mas'yado akong nabigla sa bilis ng mga pangyayari kanina. Hindi ko inaakalang makakasaksi ako ng ganoong karumal-dumal na krimen. Ang weird lang dahil walang nakaka-alam sa kung anong tunay na nangyari kay Kuya Elmer. Ang sabi kasi kanina no'ng kapatid niyang doktor, maayos na raw ang lagay ni Kuya Elmer. Then bigla na lamang kami nabulaga dahil sa nangyari. Pinatay pa niya ang sarili niya.

"Nasaan na po pala 'yung kapatid ni kuya Elmer?" Tanong ko kay Sir Arellano. Hindi ko sinagot ang payo niya na dapat umuwi na kami ni Mandy. Isa pa, mukhang hindi ko pa naman maaaya si Mandy na umuwi ngayon dahil hindi pa rin siya natitino ni Claude.

"Ang alam ko, sumama siya sa mga pulis para magbigay ng statement. Hindi ko nga siya naka-usap bago siya umalis," sagot ni Sir Arellano habang tumitingin sa iba pang mga pasyente na naka-upo sa iba pang mga sementong upuan.

May mga hinihingan din ng impormas'yon tungkol sa nangyari kanina. 'Yung iba naman pilit na pinapakalma ng mga kaanak nila. 'Yung iba naman mas piniling umuwi na lang kaysa manatili pa sa ospital. Kaya ang nangyari, kahit hindi pa p'wedeng idischarge, pinilit na nilang ilabas sa ospital 'yung pasyente. Siguro ililipat na lang nila ng ospital o sa bahay na lang icoconfine.

"Mandy, tahan na. Tapos na 'yon. Please, umuwi na kayo ni Eunice," narinig kong saad ni Claude kaya napatingin ako sa kanila ni Mandy.

"S-si ku-kuya E-Elmer," nangangatal na saad ni Mandy. Simula nang mangyari 'yung kahindik-hindik na pangyayari kanina, ngayon na lang siya ulit nagsalita.

"Shh... wala na si kuya Elmer. Dinala na siya sa morgue. Tahan na," pilit na pagpapatahan ni Claude sa nobya niya. Inipit pa niya sa likod ng tainga ni Mandy ang mga buhok na humaharang sa mukha nito. Walang tigil pa rin si Mandy sa pag-iyak habang hindi mapalagay ang mga mata sa paligid na para bang takot na takot at hindi malaman kung anong dapat gawin.

Ngayon ko lang siya nakitang ganito.

Nakilala ko si Mandy bilang open at palabirong babae. Marahil 'yun din ang nagustuhan ni Claude sa kaniya. Straight to the point siya magsalita, at hindi sensitive. Pero ngayon, parang hindi na siya si Mandy na nakilala kong co-pharmacist. Parang ibang tao na siya.

SuicidiumTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon