Chapter 37 : Block the Entrance

166 13 3
                                    

37 : Block the Entrance


56 HOURS BEFORE THE RESCUE.

"Pumunta kayong lahat sa likod," utos ni Randy.

Lahat kami napa-urong papunta sa likuran pwera kay Aries, Randy, at Charles. While holding their weapons, sumilip sila sa harapan nang supermarket at nanatiling nagmamasid.

Nawala 'yung tawanan. Nawala rin 'yung tunog ng makina ng sasakyan. Tumahimik muli sa buong lugar. Hindi namin alam kung umalis na ba 'yung mga pumasok, o naramdaman nilang may tao rito sa loob ng mall.

Hindi namin tiyak kung anong pakay ng mga bagong dating, but we can't let our guards down. Kung sino man sila, sana hindi sila masasamang tao.

"Tangina kadiri naman kayo! P'wede bang mamaya na kayo gumawa ng milagro dito? Mall 'to oh, hindi SOGO."

Napagitla kami nang marinig ulit namin ang boses ng mga bagong dating. Nagtawanan ulit sila at tila hindi natatakot na marinig sila ng mga infected. Kung ano man ang pakay nila rito, paniguradong alam nila kung gaano kadelikado ang ginagawa nilang ingay. Habang tumatagal, mas lalong lumalakas ang kutob ko na may hindi mangyayaring maganda.

Base sa lakas ng mga boses nila, parang malapit lang sila sa kung nasaan kami. Nag-eecho rin ang boses nila, kaya sigurado akong ilang oras lang mula ngayon, masusundan na sila ng mga infected.

"Kailangan nating lumipat ng lugar hanggang sa maka-alis sila," sabi ni Randy nang maglakad silang tatlo papunta sa amin. "Bubuksan natin 'yung harang. Ang kailangan lang natin gawin ay pumunta sa mas malayo rito. Kapag naka-alis na sila, tsaka tayo babalik."

"Hindi ba mas okay kung mag-sstay na lang tayo rito?" tanong ni Richard.

"Malakas ang hinala ko na mga magnanakaw ang mga 'yon. Kung magnanakaw nga sila, malaking ang chance na pumunta rin sila rito para sa mga pagkain at iba pang supply," sagot ni Randy.

Nagkatinginan kaming lahat.

"Kahit anong mangyari, huwag na huwag kayong gagawa ng ingay," bilin ni Randy. "Sumunod lang kayo sa'kin," aniya pa.

Wala kaming nagawa. May punto si Randy. Baka nandito rin 'yung mga bagong dating para sa parehong dahilan ng tulad sa amin—pagkain at supply.

Maingat na inangat ni Randy at Aries ang harang ng supermarket. Sumilip muna sila sa labas para siguraduhing wala sa dadaanan namin 'yung mga magnanakaw.

"Tiba-tiba tayo sa dami ng mga 'to! Atin lang lahat 'to!" rinig naming sigaw ng isa sa mga magnanakaw. Sumilip kami sa isang store kung saan namin siya narinig. Hindi niya kami napansing dumaan sa harap ng store dahil busy siya sa ginagawang pagkuha ng mga pera sa cashier.

Tama nga si Randy. Magnanakaw nga ang mga 'to.

Nanatili kaming tahimik at maingat na naglalakad. Sa mga oras na 'to, bukod sa kaligtasan namin, iniisip ko kung anong point ng pagnanakaw nila kung mananatili naman sila sa lugar na 'to. Ito na nga yata talaga ang panahon kung kailan hindi gumagana ang batas. Kahit magnakaw ka, sino nga namang manghuhuli sa'yo kung lahat ng pulis ay patay na?

"Shhh..." mahinang bulong ni Randy nang huminto siya sa paglalakad, dahilan para mapahinto rin kaming mga nasa likuran niya.

Sumilip siya sa kanang hallway. Pagkatapos tumingin din siya sa kaliwang hallway.

"Hindi maganda 'to," ani Randy. "Takbo!"

Mabilis na tumakbo si Randy papunta sa hallway na nasa harapan namin, sa opposite ng hallway kung saan kami nanggaling. No'ng una hindi namin alam kung bakit pinatakbo kami ni Randy. Pero nang madaanan namin ang kaliwa at kanang hallway na sinisilip ni Randy kanina, nalaman na namin ang dahilan.

SuicidiumTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon