Chapter 24 : See You Again

177 15 0
                                    

24 : See You Again





Patuloy akong hinatak ni Richard hanggang sa makalabas kami sa pharmacy. I regained my senses nang makita kong marami nang humahabol na infected sa amin.

Mas binilisan ko ang takbo ko, dahilan para mas mabilis kaming makabalik sa gasoline station.

"Charles!" sigaw ko para maagaw ang atensyon ni Charles. Nakasandal siya sa gilid ng sasakyan, halatang hinihintay ang pagbabalik namin. Nilingon niya ako at agad na nanlaki ang mga mata niya nang makita niya kung gaano karami ang humahabol sa amin.

Akala ko, isang infected lang ang nasa loob ng pharmacy. Masiyado kaming nakampante dahil tahimik ang lugar. Marami pa palang nakatagong infected, at mukhang natunugan nila ang pagdating namin.

"Dalian niyo! Bilis!" sigaw pabalik ni Charles bago niya binuksan ang pintuan sa backseat.

Agad na pumasok si Richard sa loob ng sasakyan. Umikot ako papunta sa upuang katabi ng driver. Sabay kaming sumakay ni Charles.

"I-start mo na!" histerikal kong sabi. Hingal na hingal ako habang tinitingnan ang likuran ng kotse kung nasaan ang maraming infected— lahat sila tumatakbo papunta sa kinalulugaran namin. "Charles dalian mo!"

"I'm trying!" natataranta niyang saad. Ilang beses pa niyang pinatay-sindi ang makina, bago ito tuluyang mabuhay. "Shit always happen," bulong niya sa sarili bago niya agad hinatak ang kambyo at mabilis na pinaandar ang sasakyan.

Bahagya namilipit sa sakit ang batok ko nang biglang umandar ang sasakyan. Hindi ko pala nagamit ang seatbelt kaya mabilis ko itong hinatak mula sa kanang braso ko, papunta sa kaliwang bewang ko.

Halos mapapikit na ako dahil sa tulin ng pagmamaneho ni Charles.

Sa sobrang tahimik ng lugar, ang simpleng pagdaan ng sasakyan ay nakalikha ng ingay. Ito marahin ang dahilan kaya mas lalong dumami ang mga naglabasang infected. Hindi ko alam kung bakit hanggang ngayon ay buhay pa sila. Kung tama ang pagkaka-alala ko sa impormasyon ni Richard, nagpapakamatay lamang ang mga infected kapag satisfied na sila sa mga napatay nila.

Kaya siguro sila buhay ay dahil hindi pa nila naaabot ang satisfaction na 'yon?

"Charles!" Napatili ako nang mabangga niya 'yung isang infected na tumatakbo mula sa harapan ng kotse. Huli na para iwasan ni Charles 'yon kaya tumalsik ito sa ere at mabilis naming nalampasan.

Napalingon ako sa likuran. Yakap-yakap ni Richard si Hershie dahil mabilis ang andar ng sasakyan. Ramdam na ramdam din ang tensyon at taranta sa bawat pagliko ni Charles para iwasan ang mga infected  na nagkalat sa daan.

"Kumapit kayong maigi," ani Charles bago niya muling hawakan ang kambyo ng sasakyan.

Mas bumilis ang takbo ng sasakyan kumpara kanina, kaya napahawak na lang ako sa pintuan at upuan. Dahil sa ginawa ni Charles, marami siyang nabanggang tao sa daan. Hindi ko siya masisisi kung 'yun na ang paraang naisip niya para makatawid kami sa lugar na 'yon.

Ang alam ko lang, in less than a couple of minutes, nakatawid na kami sa nakakatakot na dakong 'yon ng syudad.

- - -

"You're okay?" tanong ni Charles sa akin habang hindi tinatanggal ang tingin niya sa daan.

Tumango ako bilang tugon.

"Anong nangyari?" tanong niya. Mas mabagal na ang takbo ng sasakyan, kaya humupa na rin ang kaba at init na nararamdaman naming lahat.

"Masiyadong mabilis ang mga pangyayari. Basta ang alam ko, nakuha namin ni Eunice ang pakay namin sa botika na 'yon," sagot ni Richard bago niya ipakita sa amin ang hawak niyang plastic. "Hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa na nakuha ko 'to ng libre, o manghinayang na hindi ko nakuha lahat ng gamot sa botika."

SuicidiumTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon