Chapter 33 : Phase One

186 14 0
                                    

33 : Phase One





Nagising ako nang tumama sa mga mata ko ang liwanag na nanggagaling sa bintana. Nang idilat ko ang mga mata ko, agad kong iniwas ang mga 'to dahil nasilaw ako.

Kasabay nang pag-iwas ko, ang pagdapo ng mga tingin ko sa mukha ng katabi ko— sa mukha ni Charles.

Mahimbing siyang natutulog. Hindi ko alam kung bakit, pero pakiramdam ko ito na ang pinakamagandang umaga ko simula nang magsimula ang gulo na 'to. He's sleeping as if everything's fine. Na para bang walang nangyayari ngayon sa mundo.

"Ganiyan ba 'ko kagwapo para titigan mong mabuti?" biglang sabi ni Charles kaya napalingon ako sa iba.

"H-ha? Anong sinasabi mo? Nananginip ka ba?" sabi ko bago ako umupo.

Narinig ko 'yung mahinang pagtawa niya. Hindi ko alam kung anong nangyari sa sistema ko, at bakit pati pagtawa niya nagdudulot na ng halo-halong emosyon sa kalamnan ko. Tila naadik na ako sa tawa niya.

Tatayo na sana ako pero bigla niya akong hinatak. Nawalan ako ng balanse pero inalalayan niya ako hanggang sa parehas na ulit kaming nakahiga. Tatalikod sana ako sa kaniya pero pinigilan niya ako, kaya ang nangyari, magkaharap kami ngayon.

Nakatingin siya sa akin. May ngiti sa labi niya. Ngayon ko na lang ulit siya nakitang ngumiti nang ganito.

Pinilit kong iwasan ang mga mata niya, pero namalayan ko na lang na nakatitig na rin ako sa mga 'yon. Parang lahat ng bagay kay Charles, nakaka-adik. I want all of them to be mine— nasa tamang katinuan pa ba ako? Kung anu-anong naiisip ko.

But I really want all of those to be mine.

"Good morning," he said. Mas lalong lumawak ang ngiti sa labi niya.

"Mmm," tangi kong saad. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. I am mesmerized by the view in front of me. P'wede bang manatili sa ganitong posisyon hanggang sa mangalay ako? Gusto ko manatili sa oras na 'to. I feel safer.

Nanatili kami saglit sa gano'ng posisyon. Nilagay ni Charles ang braso niya sa ulo ko para magsilbing unan. Sobrang lapit namin sa isa't-isa. Nararamdaman ko ang bawat paghinga niya. I feel a lot comfortable. Akala ko mag-ccringe ako sa ganito kalapit, pero hindi.

I blinked once bago ako tumayo nang marinig namin ang pag-iyak ng baby nila Jiro at Alex. Pagtayo ko, sakto namang lumabas sa k'warto si Jiro. Nag-ngitian kami pareho.

May kinuha siya sa bag niya na nandito sa sala. Naiwan namang nakabukas ang pintuan ng k'warto kaya nakita ko si Alex sa loob na hawak-hawak ang anak niya.

Napatingin ako saglit kay Charles na inaayos ang pinaghigaan namin, bago ako naglakad papasok sa k'warto. Dahan-dahan akong naglakad papunta ro'n dahil hindi na safe lakaran 'yung sahig. Kapag minalas ka, baka maapakan mo 'yung pinakamarupok na parte nito.

"Good morning," bati ko pagkatapos kong kumatok nang mahina sa pintuan.

Lumingon si Alex sa akin. Ngumiti siya sa akin. Sobrang genuine ng ngiti niya. Ramdam na ramdam ko 'yung tuwa niya. Sino bang hindi matutuwa na nakaraos ka na sa panganganak? After nine tough months ng pagtitiis, hawak-hawak mo na ngayon 'yung anak mo.

Lumapit ako at tumabi kay Alex.

Tiningnan kong mabuti 'yung baby niya— which is hindi ko nagawa kagabi dahil medyo madilim na.

"Hello baby," mahina kong saad bago hinawakan ang maliit nitong kamay na nakakuyom. Hindi ko alam kung dapat ko bang sabihin na "welcome to the world" pero nag-decide na lang ako na huwag sabihin 'yon. "Nakapag-decide na ba kayo kung anong ipapangalan niyo sa kaniya?" tanong ko kay Alex.

SuicidiumTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon