Chapter 19 : Sacrifices

261 18 9
                                    

19 : Sacrifices

"Tingin ko hindi na siya makakawala," sabi ni Randy.

"Na-nakakahinga pa ba siya?" nag-aalala kong tanong.

Tumango si Randy sa akin bago umalis sa basement, kung saan kami nakatayo ngayon. Si Jiro naman, nanatiling naka-alalay sa akin dahil hindi pa rin ako makalakad, at makatayo ng maayos. Naiwan naman si Maldi kay Alex sa k'warto.

"Iwan mo na ako rito," sabi ko kay Jiro bago tipid na ngumiti. Kanina pa niya ako inaalalayan, for sure ngalay na siya.

Inalalayan niya ako papunta sa isang upuan na gawa sa kahoy. Nag-alangan pa nga akong umupo dahil baka masira. Pero wala naman akong choice. Mas okay na rito kaysa naman nakatayo lang ako at hinahayaan si Jiro na mangalay sa pag-aalalay sa akin. May kalayuan din ito kung saan nakatali si Claude.

"Salamat," sabi ko nang maka-upo na ako.

"Nasa pintuan lang ako. Tawagin mo nalang ako kapag aakyat ka na," sabi niya kaya tumango ako.

Nang umakyat na siya, naiwan kami ni Claude sa basement.

Maalikabok, hindi na siguro palaging nalilinis ng may-ari ng bahay. Pero wala naman kaming ibang p'wedeng paglagyan kay Claude kundi dito lang. May iisang k'warto lang at para 'yon kay Alex na nagdadalang tao.

May puting tela na nakatakip sa mukha si Claude para hindi niya kami makita. Gustuhin ko mang makita ang mukha niya, hindi ko naman p'wedeng tanggalin ang tela. Baka mas lalo pa siyang magwala kapag nakita niya ako. Buti nga't med'yo kumalma na siya.

Nakagapos ang mga kamay niya sa likuran ng upuan, gano'n din naman ang mga paa niya sa paa ng upuan para masigurong hindi na talaga siya makakawala.

Gamit ang lubid, tinali nila Jiro at Randy si Claude rito sa basement. Buong katawan ni Claude, nakatali lang sa upuan na pinako ni Jiro sa sahig. Kung hindi kasi nakapako, babagsak sa sahig si Claude. Naging mas marahas na kasi ito, at mas naging magaslaw kaya nahirapan sila Jiro at Randy na itali siya.

Nakakatakot siya kanina, sa totoo lang. Pero 'yung takot ko sa kaniya, napalitan ng awa.

Mabuti nalang talaga at hindi tinuloy ni Randy ang pagpapaputok ng baril kay Claude.

Kung nangyari 'yon...

at namatay si Claude...

Hindi ko na alam kung anong mangyayari sa akin. Baka patay na ngayon ang kalahati ng pagkatao ko. Baka nabaliw na rin ako.

Napa-iyak akong muli nang makita ang kalagayan ni Claude sa silya.

Gustung-gusto na niyang kumawala sa lubid. Gusto na niyang tanggalin ang tela sa mukha niya. Wala siyang ibang gustong gawin kundi manakit. Kaya wala rin akong magawa kundi titigan nalang siya.

Nahihirapan ako para sa kalagayan niya.

Ang nanggagalaiti niyang panga.

Ang langitngit ng ngipin niya.

Ang mga daliri at kuko niya na handang manakmal ng kahit sinong maaabot nito.

Malayong-malayo sa tunay na Claude.

Napapikit ako dahil sa tuloy-tuloy na pag-agos ng luha sa mga mata ko. Hindi pa nga natutuyo ang mga luhang iniyak ko kanina, heto nanaman at may bagong bugso. Hindi na yata 'to mauubos hangga't hindi bumabalik si Claude sa normal.

Hindi kinakaya ng mga mata ko na pagmasdan ng mataggal si Claude sa ganitong sitwasyon. Kung dati, masaya ako na nakatingin sa kaniya kahit gaano pa katagal, ngayon hindi na. Mas masakit na kapag mas matagal akong nakatingin sa kaniya.

SuicidiumTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon