Chapter 36 : Unexpected Guests

224 15 0
                                    

36 : Unexpected Guests





2 HOURS AND 40 MINUTES BEFORE THE RESCUE.


"Eunice... Eunice!"

Napatingin ako kay Charles.

"'Wag kang aalis dito. Kailangan kong hanapin 'yung iba pa nating mga kasama," aniya. Akmang tatayo na sana siya pero agad kong hinawakan ang kamay niya.

"D-dito ka n-na lang," utal-utal kong saad. Ang dami kong gustong sabihin sa kaniya. Ayoko siyang paalisin dahil kakakita lang namin. Kung hindi niya ako nakita sa closet na pinagtataguan ko, baka nahanap na ako nung humahabol sa akin.

"Hindi p'wede, Eunice. Paano kung kailangan ng tulong ng isa sa mga kasama natin?" saad niya.

Umupo ulit siya sa harapan ko. Gamit ang dalawa niyang kamay, hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko at marahang inilapit sa akin ang mukha niya. Tsaka siya mahinang nagsalita dahilan para maiyak ako.

Pagkatapos no'n, wala na akong nasabi. Hindi ko na siya napigilan pa nang magsimula na siyang tumakbo palayo sa akin. Naiwan ako sa isang shop, na katulad halos ng kung saan ako nagtago kanina. Pero imbis na mga damit, puro bola, at kung anu-anong may kinalaman sa sports ang nandito.

May helmet, raketa, bicycle parts, at iba't ibang sizes at uri ng mga bola.

Nagtatago ako sa likod ng isang stall. Kung sino mang dumaan sa harapan ng shop ay hindi agad ako makikita dahil sa harang na 'to.

Binilin sa akin ni Charles na manatili ako sa lugar na 'to dahil dito niya papupuntahin 'yung mga kasama namin. Hindi ko alam kung anong binabalak niyang gawin. Sa laki ng mall na 'to, parang imposibleng mahanap niya ang iba pa naming mga kasama.

Kaunti na lang ang oras na meron kami.

Hinahabol pa kami ng mga magnanakaw na 'yon. Wala ring kasiguraduhan na makikita niya agad sila Mandy, o sila Alex sa loob ng halos dalawang oras! Paano kung nagtatago rin sila? Paano kung lumabas na sila sa mall na 'to? Paano kung talagang nagkaniya-kaniya na silang lahat?!

Pumikit ako at huminga nang malalim. Sinubukan kong pakalmahin ang sarili ko.

Natatakot ako. Kinakabahan. Normal lang naman 'yon sa mga ganitong sitwasyon hindi ba? Sa puntong 'to, ang dami naming kalaban. Para bang himala na lang kung makakalabas pa kami sa mall na 'to ng buhay.

Oras.

Infected.

Mga magnanakaw na gusto kaming patayin.

Nang idilat ko ang mga mata ko, napatingin ako sa stall na nasa harapan ko.

Hindi ko alam kung anong p'wedeng mangyari sa akin habang wala si Charles. Ako lang mag-isa, kailangan kong tatagan ang loob ko. Kaunti na lang ang oras na meron kami, ito na ang huling tsansa para maka-alis kami sa lugar na 'to. Hindi p'wedeng masayang lahat dahil lang sa mga magnanakaw na 'yon.

Maingat akong tumayo.

Kinuha ko lahat ng kaya kong maabot.

Raketa. Mga bola ng baseball. Kinuha ko na rin 'yung helmet na malapit sa akin.

Pati 'yung mga tool na nagkalat sa sahig ng shop, basta naaabot ko. Pinagsama-sama ko ang mga 'to at nilagay ko sa tabi ko.

Sumilip ako sa harapan ng shop. Nanatili akong nakamasid hanggang sa makarinig ako ng mga yabag. Mabilis ang mga ito— may mga tumatakbo papalapit dito.

Hinawakan kong mabuti 'yung hawak kong raketa at isang bola ng baseball. Sinigurado kong abot kamay ko lahat ng mga p'wede kong gamitin pangprotekta sa sarili ko.

SuicidiumTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon