Chapter 7 : Ring

368 29 3
                                    

7 : Ring

Pinagpapawisan ako ng malamig. Alam kong kahit hindi sabihin ni Claude ay kimakabahan din siya. Lalo pa't nanlilisik ang mga mata ng lalaking may hawak ng shotgun. Maya-maya pa, tumakbo ako sa loob para tumawag ng pulis. Kinuha ko ang lahat ng tapang na meron ako kahit pa nangingig ako habang nagdidial ng numero.

"He-hello! Kailangan n-namin ng tulong! M-may kapit-bahay k-kami na may dalang sh-shotgun! B-bilisan niyo!" Utal kong saad bago binigay sa kanila ang address namin.

Saktong pagkatapos ng tawag, umalingawngaw sa buong lugar ang isa pang malakas na putok ng baril. Mas lalong kumabog ang dibdib ko at napatakbo ako sa labas ng k'warto namin. Paglabas ko, nakita ko na lang na nakabulagta na sa sahig 'yung lalaki na may hawak ng baril. Nagkalat sa lugar ang dugo at nakita kong may tilamsik din ng dugo sa mukha at damit ni Claude at Charles. Nakapasok ang bibig ng shotgun sa bibig ng lalaki na mukhang binaril niya mismo sa bunganga niya.

Nakapanlulumo.

"Eunice!" Tumakbo papunta sa akin si Charles at agad akong niyakap. Nawalan ako ng balanse dahil sa nanghihina kong mga tuhod na hindi na kinayanan pa ang nakikita. "A-are you okay?" Tanong niya sa akin habang pilit niya akong pinapakalma. Hindi maalis ang tingin ko sa kalagayan ng lalaking kamamatay lang kahit pa diring-diri na ang sistema ko.

Napansin ko kasi ang makakapal na ugat sa sintido ng lalaki, meron din siya nito sa leeg. Sa sobrang dark ng pagkagreen ito, aakalain mong kulay itim ito sa malayo. Nakadilat na namatay, at nakatingin sa gawi ni Claude kaya napatingin ako sa kaniya. Doon ko napansin na tulala siya at hindi makapagsalita.

"C-claude?" Pagtawag ko sa kaniya. Marahan siyang lumingon sa akin. "A-ayos ka lang?" Tanong ko. Marahan naman siyang tumango bago kami inayang pumasok sa loob.

Hindi pa tuluyang naisasara ang pintuan nang marinig namin ang mga yabag ng paa kaya lumabas kaagad kami. Tumambad sa amin ang limang pulis na kapwa nakatingin sa bangkay sa sahig. Kasama rin nila si Ate Bhabi na hindi makapaniwala sa nakita. Gulu-gulo pa ang buhok nito na sa tingin ko bagong gising. Nagawi ang tingin niya sa amin at kahit hindi lumalabas sa bibig niya, tinatanong ng mga tingin niya kung anong nangyari.

- - -

"Tatawagan namin kayo kung may kakailanganin pa kaming impormas'yon tungkol sa inyo," pinal na saad ng pulis na siyang may pinakamataas na ranggo sa kanilang lima. "Sa ngayon, mas maigi siguro na huwag muna kayong lumabas ng k'warto ninyo hangga't hindi pa namin natatapos ang pag-iimbestiga," aniya pa bago tuluyang umalis sa harapan ng pintuan namin.

Pumasok kami sa loob ni Charles at Claude. Sila kasi ang nakakita sa buong pangyayari kaya sila ang hiningan ng statement. Si ate Bhabi sinamahan ang mga pulis pababa sa ground floor para ihatid palabas ng apartment. Si Maldi naman pinatulog ni Mandy para malaya naming mapag-usapan ang nangyari. Gayumpaman, walang gustong magbukas ng diskus'yon tungkol dito dahil nanatili kaming tahimik at hindi nagkikibuan.

"I think it's better if you'll go with me," sa wakas, binasag ni Charles ang katahimikam at nakatingin sa akin. Kumunot ang noo namin maliban kay Claude na mukhang malalim pa rin ang iniisip.

"Saan?" Tanong ni Mandy habang sinusuklayan ang kapatid niya gamit ang sarili niyang mga daliri. Malalim na ang tulog nito at mas mainam na wala siyang marinig sa kahit anong pag-uusapan namin.

"Sa bahay ko. Mas ligtas tayo do'n," ani Charles kaya nagkatinginan kami ni Mandy.

"Pero delikado na ngayon sa labas," sabi ko.

"I know, pero kaya niyo bang tiising manirahan dito even if there's a crime happened here? Kahit pa may namatay na rito?" Tanong niya kaya napatingin ako kay Mandy, hinihingi ang suhestiyon niya.

SuicidiumTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon