Chapter 28 : Last Option

186 17 0
                                    

28 : Last Option


May mga bagay kaya talagang sinasadya? o nagkataon lang na may koneksyon ang bawat pangyayari sa buhay natin?

Laos na laos na 'yung ‘lahat ng nangyayari may dahilan’ pero totoo ba talaga 'yon? If it's really true, then do you call it destiny? Fate? Something like a foreshadowing in our story? Sa lahat ng taong kailangan naming makasalubong at masagasaan sa daan, is it possible that fate chose Hershie's father to be in that role?

In addition, matagal ko na pa lang nakilala ang papa ni Hershie. If it wasn't for him, baka wala akong naiuwing groceries no'ng araw na nagkagulo sa grocery kung saan kami pumunta ni Mandy no'n. And worse, baka hindi na ako naka-uwi no'ng araw na 'yon.

Ilang beses kong narinig ang malalalim na buntong-hininga ng papa ni Hershie. Maya't-maya rin akong napapalingon sa kanila sa passenger's seat.

Hindi na sila mapaghiwalay. Simula nang pumasok 'yung lalaki, hindi na niya binitawan si Hershie. Yakap na yakap ito sa bata na para bang hindi na niya ulit hahayaang makawala ito sa mga kamay niya— at tingin ko 'yun talaga ang nasa isip niya sa mga oras na 'to.

Napalingon siya sa akin kaya malamlam akong ngumiti.

"A-Aries nga pala. Aries ang pangalan ko," aniya bago tumingin kay Charles at Richard.

Nakita kong ngumiti lang ng tipid si Richard bago mapatingin sa kamay ni Aries. Napatingin din tuloy ako do'n, at naalala ko 'yung nangyaring pagkakabangga namin sa kaniya. Nakita ko ring natamaan namin siya, pero hindi naman imposible na nahinto agad ni Charles 'yung sasakyan bago namin siya tuluyang matamaan 'di ba?

If it's not the case, then how did he do that?

Napansin ni Aries na nakatingin kami sa kamay niya, kaya itinago niya ito sa likod ni Hershie.

"Galing din ako sa arko ng probinsya. Akala ko maliligtas ko na ang sarili ko, pero..." pero mas nilagay ko lang ang sarili ko sa peligro— alam kong 'yan din ang naiisip niya. No'ng una pa lang hindi na maganda ang pakiramdam ko sa pagpunta sa arko, pero hinayaan ko, at nagpadala ako dahil desperado na kaming maging ligtas.

"Ikaw lang mag-isa?" tanong ni Richard sa kaniya. "Richard nga pala," pagpapakilala pa nito.

Napatingin si Aries kay Richard. "Tatlo kami," sagot niya.

Nagkatinginan kami ni Richard at sa tingin ko, alam na naming pareho ang nangyari sa dalawa pang kasama ni Aries.

Binalot kami saglit ng katahimikan. Tanging tunog lamang ng sasakyan ang maririnig sa lugar na dinadaanan namin. Parang kami na lang ang taong nabubuhay sa parte na 'to ng mundo. Sa sobrang tahimik, nagtatayuan ulit ang mga balahibo ko. Naaalala ko na naman 'yung katahimikang bumalot sa amin no'ng pumasok kami sa pharmacy.

Even the most silent place in Earth, is now the deadliest.

"Ang mama mo? Nasaan ang mama mo?"

Muli akong napalingon sa likuran. Humiwalay ng saglit si Aries kay Hershie para maiharap niya ang sarili niya rito.

Napatingin ako kay Charles. Saglit din siyang sumulyap sa akin bago sinabing, "she turned into a monster."

Napatingin si Aries kay Charles pero agad niyang binalik ang tingin niya sa anak niya at niyakap ito. Muli itong napahinga ng malalim.

"Nagkita na tayo dati?" biglang sabi ni Aries habang nakatingin sa akin. "Pamilyar ang mukha mo sa'kin," dagdag pa niya kaya tumango ako.

"Sa grocery. Tinulungan mo akong dalhin ang mga bitbit ko," tugon ko.

SuicidiumTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon