13 : They are gone
Hindi ko alam kung saan ako nakakuha ng lakas, but I'm really thankful dahil nagawa kong gumulong palayo sa babaeng nakatayo sa likuran ko. Nang makalayo ako sa kaniya, agad namang sinalag ni Charles ang dalang tubo ng babae na dapat ay ihahampas niya sa batang babae.
"Mauna ka na sa kotse!" Utos ni Charles. "Dalhin mo 'yung bata!" Dagdag pa niya kaya wala akong nagawa kung 'di tumango at kuhain si Hershie na patuloy pa rin sa pagiyak.
"Mama..." aniya sa pagitan ng bawat hikbi niya. "Si mama..."
"Shh... alam kong mama mo siya. Pero hindi na siya ang mama mo," napailing ako habang naglalakad palayo at buhat-buhat si Hershie. Hindi ko mapaliwanag sa kaniya ng maayos kaya hindi ko na sinubukan pang ipaliwanag sa kaniya. Agad ko siyang sinakay sa cart na kanina dala ni Charles.
"Ako na bahala sa cart mo! Mauna na kayo!" Sigaw pa ni Charles bago hatawin ang babae gamit ang sword niya. Mas lalong napaiyak si Hershie kaya agad ko siyang tinalikod para hindi niya makita ang gagawin ni Charles sa mama niya.
"C-Charles! T-tara na!" Tensyonado kong saad. Nakalingon lamang ako sa kaniya dahil tinatakpan ko si Hershie.
"Sandali!" Sigaw ni Charles bago niya hatawin ang kamay ng babae. Nalaglag nito ang hawak niyang tubo na tingin ko mula sa banyo ng store. Agad na sinipa ni Charles ang babae kaya wala na itong nagawa nang bumagsak siya sa sahig. "Let's go!" Sabi ni Charles nang mahatak ang cart na dala-dala ko kanina.
Napatakbo na rin ako papunta sa entrance. Napapalingon ako sa likuran ko dahil sa babaeng pilit na tumatayo at kinukuha ang tubong kanina'y hawak niya.
Mas binilisan ko pa ang pagtakbo nang makita kong nakatayo na siya at tumatakbo na rin papunta sa amin. "Hindi ko inaasahang magmamarathon ako ngayong araw," bulong ko sa sarili ko bago ko itulak 'yung glass door na punung-puno ng dugo. Tinulungan ako ni Charles na buksan 'yon para mas mabilis kaming makalabas.
"Bilisan mo Eunice!" Aniya kaya mas lalo akong kinabahan. Malapit na 'yung mama ni Hershie sa amin. Dala-dala niya 'yung tubo at nakahanda na siyang hatawin ang kahit sino sa aming tatlo. Nakalabas kami ni Hershie sa glass door pero huli na para kay Charles.
"Charles!" Agad kong sigaw nang maabutan si Charles ng babae. Nahataw ng tubo si Charles sa kanang balikat nito na agad niyang ininda. Nanatiling nakabukas ang glass door dahil nando'n si Charles.
"G-gun," saad ni Charles habang iniiwasan ang bawat hataw ng babae.
"H-ha?" Tanong ko sa kaniya.
"I said use the gun!" Sigaw niya kaya agad kong naramdaman na hawak ko pa pala ang baril. Namanhid ang kamay ko kanina habang hinahabol kami ng babae kaya hindi ko na naramdamang may hawak pa pala akong baril. "Eunice we don't have time! Barilin mo na!" Sigaw pa ni Charles kaya agad kong tinalikod si Hershie.
"Cover y-your ears," sabi ko na agad naman nitong ginawa kahit na umiiyak pa rin siya. Hinawakan ko nang maayos ang baril at tinutok 'yon sa babae. Pero hindi ko alam kung paano ko maipuputok ang baril gayong malikot ito. Isang maling kilos ko lang, p'wedeng si Charles ang matamaan ko.
"B-barilin mo na!" Sigaw ni Charles. Doon ko lang namalayan na sakal-sakal na pala siya ng mama ni Hershie. Hindi na ito masiyadong malikot dahil pinipigilan na ni Charles ang paggalaw nito. "Sh-shoot Eu-Eunice!"
"Oh God. Sorry po sa gagawin ko," bulong ko sa hangin bago maningkit ang mga mata ko. After that, umalingawngaw sa buong lugar ang ingay na nagmumula sa baril. Agad na namanhid ang kamay ko at hindi ko namalayang naibaba ko na pala ang baril.
Nakita ko ang pagbagsak ng katawan ng babae. Marahan pa itong tumingin sa kinaroroonan namin. Tumingin siya sa kinaroroonan ni Hershie bago ito tuluyang pumikit at bawian ng buhay.
BINABASA MO ANG
Suicidium
Science FictionSixth Sense Series #3 | There is no such thing as the safest place on Earth. *** A novel. "Death is inevitable, killing is a variable." When an odd and deadly virus spread all over the world, a pharmacist named Eunice has to survive in all means she...