Chapter 38 : Gunshot

144 9 0
                                    

38 : Gunshot



2 HOURS AND 30 MINUTES BEFORE THE RESCUE.

Nanginginig ang mga braso ko, hindi ko alam kung anong p'wedeng mangyari sa akin sa mga oras na 'to. Ang alam ko lang, mahigpit ang hawak ko sa mga bagay na nasa paligid ko habang naririnig ko ang papalapit na yabag ng kung sino man.

Maingat akong nakamasid sa kung sinong dadaan sa harap ng shop. Halos hindi na ako huminga para lang mapanatili ang pustura ko.

Hindi pa ako p'wedeng mamatay dito. Hindi ngayon, hindi dito. Kailangan ko pang matiyak na ligtas si Charles. Hihintayin ko siyang makabalik dito kasama ang iba pa naming mga kasamahan. I need to stand on my own, and guard this place hanggang makabalik sila Charles.

Naningkit ang mga mata ko nang may makita akong paa. Nakatayo ang kung sino mang may ari ng paa na 'yon sa tapat mismo ng entrada ng shop. Napakapit lalo akong maigi sa hawak kong raketa; hinihintay ang paglapit sa akin ng dumating na tao sa shop.

Ilang minuto pa, napansin kong hindi nag-iisa 'yung dumating. Tsaka ko lang napansin na maliit ang mga paa ng mga nasa tapat ng shop, kaya agad kong inangat ang mga tingin ko.

Agad akong napatayo nang makilala ko kung sino ang mga ito.

"Maldi! Hershie! Dito!" mahina pero madiin kong saad. Mabuti at narinig nila ako. Nang makita nila ako, agad silang tumakbo papalapit sa akin at yumakap nang mahigpit sa bewang ko. "Kayong dalawa lang ba ang magkasama?" tanong ko sa kanilang dalawa.

Sabay silang tumango. Nakita kong umiiyak sila kaya pinilit ko silang tumahan. Pinunasan ko ang munting patak ng luha sa mga mata nila, bago ko sila pinapunta sa pinagtataguan ko kanina.

Para sa proteksyon nila, binigyan ko sila ng p'wede nilang gawing pang-depensa at opensa sa sarili nila kung sakali mang may mangyaring hindi inaasahan.

Pumunta ako sa may bandang harapan ng shop, malapit sa entrance nito para madali kong makikita kung sino ang mga dadaan at papalapit sa gawi namin.

Ngayong may kasama na akong mga bata, mas lalong lumalakas ang tibok ng puso ko. Mas kinakabahan ako dahil hindi na lang sarili ko ang kailangan kong protektahan sa mga oras na 'to. Pinapangako ko sa sarili ko na makakalabas kaming lahat nang buhay dito sa lugar na 'to.

"Bilisan mo pa ang pagtakbo! Bilis!" Nakarinig ako ng tawanan at marahas na pagtakbo papalapit sa pwesto namin kaya naging alerto lalo ako.

Saglit akong napatingin sa kung saan nagtatago si Hershie at Maldi. Sinusunod nila ang bilin ko na huwag na huwag lalabas sa likod ng stall na 'yon, at kahit anong mangyari huwag na huwag gagawa ng ingay.

Mas malinaw na sa akin ang tawanan at tunog ng pagtakbo—marahil malapit na sila sa kinalulugaran namin kaya napahawak ang dalawang kamay ko sa raketa na hawak ko.

Few more seconds, nakita ko si Alex na tumatakbo papalapit sa pwesto ko. Nakita ko ang mahigpit at maingat na paghawak niya kay baby Yam. Sa likuran niya naman, nando'n 'yung lalaking humahabol sa akin kanina kaya ako napadpad sa closet, kung saan ako nakita ni Charles.

Sa mga oras na 'yon wala na akong ibang naisip. Tila lahat ng takot at kaba sa katawan ko ay panandaliang nawala. Agad kong inabot ang tools na nasa tabi ko. Kinuha ko ang martilyo at screw driver do'n, at walang pagdadalawang-isip na tumakbo palabas ng pinagtataguan ko.

Dahil sa ginawa ko, nakita ako no'ng dalawang lalaki na humahabol kay Alex.

Saglit akong natigilan nang makita kong tinutok nila ang mga baril nila sa akin. Si Alex naman, agad na pumunta sa likuran ko. Umiiyak si baby Yam, at pinapatahan niya ito. Naririnig ko rin ang sunud-sunod na paghinga ni Alex, halatang hingal na hingal siya at matagal nang tumatakbo.

SuicidiumTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon