39 : Last Hope
53 HOURS BEFORE THE RESCUE.
We're eager to survive. We have to survive.
Hanggang ngayon hindi pa rin bumabalik sila Eunice at ang iba pa. Nag-aalala na kami dahil halos tatlong oras na ang nakakalipas simula nang magpunta sila sa entrance ng mall para gumawa ng harang.
Ang mas nakakapagtaka pa, nakarinig kami ng ingay mula sa entrada ng gusali. Tila may mga nagtatakbuhan pero hindi kami sigurado kung sino ang mga 'yon. Kung mga infected ba 'yon na hinahabol pa rin 'yung mga magnanakaw, o isa 'yon sa mga kasamahan namin na nanganganib ang buhay.
"Kailangan na nating lumabas. Kailangan na natin silang hanapin, baka kung napa'no na sila!" histerikal na saad ko kay Jiro.
"Hindi natin alam kung anong nasa labas. Mas mabuting hintayin na lang natin sila rito. Puro bata ang mga kasama natin, at may sugat ka," kalmadong sagot ni Jiro.
Napatingin ako kay Maldi at Hershie. Tahimik sila sa isang sulok at pinapakinggan lang ang pagsasagutan namin ni Jiro.
Napatingin ako sa baby ni Alex. Mukhang nakatulog na ito dahil maingat ang hawak ng nanay niya sa kaniya. Tsaka ako napatingin kay Jiro. Alam kong ayaw niyang sumugal dahil ama na siya ngayon. Pero kung hindi naman aalamin kung anong nangyari sa iba pa naming mga kasama, paano kami makaka-alis sa lugar na 'to.
Huminga ako nang malalim bago inangat 'yung harang ng supermarket. Bumalik kami rito kanina dahil nagdesisyon kami na haharangan nila Randy at ng iba pa 'yung entrance ng mall, pero dahil hanggang ngayon wala pa sila, may malaki akong rason para lumabas dito.
"Mandy. Mandy!" tawag sa akin ni Jiro. Agad siyang lumapit sa akin at hinawakan ang pupulsuhan ko, dahilan para mapahinto ako sa pag-angat ng bakal na harang.
"Kung walang mag-tatake ng risk sa atin, hindi ko na alam kung ano pang sunod na mangyayari sa atin sa lugar na 'to," ani ko sa kaniya. "Kung hindi natin malalaman kung anong nangyari kila Eunice, hindi rin natin alam kung anong posibleng mangyari sa atin sa mga susunod na oras," dagdag ko pa.
Ilang minuto kaming nagtitigan ni Jiro, bago niya ito putulin. Pinakawalan din niya ang pupulsuhan ko, kaya akala ko hinahayaan na niya akong lumabas ng supermarket.
Pero bigla siyang nagsalita.
"Ako na ang hahanap sa kanila. Manatili ka na lang dito at bantayan mo ang kapatid mo at mag-ina ko," sabi niya kaya napatingin sa kaniya si Alex. "Pangako, mabilis lang ako," sabi niya sa asawa niya nang lingunin niya ito.
Aangal pa sana ako pero mabilis siyang lumabas sa harang at tumakbo palayo sa amin.
Pagkatapos no'n, si Jiro naman ang ilang oras naming hinintay. Sa sobrang tagal, hindi namin namalayan na umaga na pala.
Nang sumikat ang araw, mas lalo pa kaming kinabahan dahil halos kalahati na sa grupo namin ang hindi pa rin bumabalik hanggang ngayon. Nagsisimula na akong kutuban na malaki ang posibilidad na may hindi magandang nangyari kagabi.
At kung ano man 'yon, mas lalo naming kailangan maging alerto.
From hours, to a day. Bakas sa mukha ni Alex ang matinding pag-aalala dahil hanggang ngayon hindi pa nakakabalik si Jiro. At gaya ko, malakas ang hinala naming masama na ang nangyari sa labas ng supermarket.
Wala na akong ibang pagpipilian pa kaya agad akong lumabas ng supermarket. Narinig ko pang tinawag ni Alex ang pangalan ko pero hindi ko na siya nilingon.
Maingat pero mabilis akong naglakad kahit iika-ika. Hanggang sa may marinig akong ingay. Sinundan ko 'yon pero mukhang mali yata ang desisyon na alamin kung saan nanggagaling ang ingay na 'yon.
BINABASA MO ANG
Suicidium
Science FictionSixth Sense Series #3 | There is no such thing as the safest place on Earth. *** A novel. "Death is inevitable, killing is a variable." When an odd and deadly virus spread all over the world, a pharmacist named Eunice has to survive in all means she...