Chapter 4 : Panic

423 31 0
                                    

4 : Panic

"Siz, ang aga mo yatang magising?" Tanong sa akin ni Mandy na bagong gising at kinukusot-kusot pa ang mga mata niya. Kasunod niya ring nagising ang kapatid niyang si Maldi. Nginitian pa niya ito at kunurot ng marahan ang ilong ng kapatid. "Good morning bibi boi," aniya.

"Good morning ate!" Tumayo ito sa higaan at tumalon ng tumalon. "Good morning ate Eunice!" Bati nito sa akin kaya ngumiti na lamang ako sa kaniya bago tumingin muli sa nakabukas na TV.

Naramdaman kong tumabi si Mandy sa akin kaya napatingin ako sa kaniya. Kap'wa kaming naka-upo sa maliit na sofa, na ang kaharap ay 'yung mismong TV.

"Siz, bakit kako ang aga mong magising?" Pag-uulit niya sa akin ng tanong.

"Nabalitaan mo na ba 'tong mga 'to?" Tanong ko sa kaniya bago ituro ang balita sa TV. Katulad ng kanina sa social medias, at ilang mga websites, parehas pa rin ng topic. Tungkol pa rin 'yon sa suicide cases na umuusbong sa buong mundo. "Sobrang... weird," tangi ko na lamang ani nang may makunan ang camera ng mga reporters na isang lalaki na pinatay ang sarili niya sa loob ng simbahan gamit ang krus na hawak ng pari. Napangiwi pa kaming sabay ni Mandy dahil do'n.

"Teka... all around the world?" Basa ni Mandy sa headline ng balita. "Nakakatakot naman," aniya. "Teka nga," dagdag niya bago tumayo at kuhain ang cellphone mula sa desk sa tabi ng kaninang hinihigaan nila ni Maldi.

"Anong gagawin mo?" Tanong ko sa kaniya pagbalik niya sa sofa.

"I should contact dad. Gusto kong malaman kung anong nangyayari. Bakit parang ang weird ngayon ng mga tao," she almost whispered. Nagtype siya ng numero sa cellphone niya bago ito itapat sa kanang tainga niya.

Nanatili akong nakafocus sa pinanunuod kong balita. Ayon dito, patuloy pa rin na lumalago ang bilang ng mga suicide cases. Ang nakakapagtaka, bago magpakamatay ang mga dawit sa pagpapatiwakal, pumapatay muna sila. After that, nagpapakamatay na sila. Lahat ng mga nagsusuicide, gano'n ang ginagawa ayon sa mga pulis at detective na naassign sa mga tasks na 'yon.

Parang...

Katulad na katulad ng nangyari kay kuya Elmer kagabi.

Posible kayang 'yun din ang dahilan kung bakit biglang nag-iba si kuya Elmer kagabi?
"Hello dad," narinig kong sabi ni Mandy mula sa kabilang linya. "We're okay. Maldi is here. Naglalaro siya sa iPad niya. Wait. Ano po bang nangyayari? Nanunuod kami ngayon sa balita. Bakit ang daming nagpapakamatay?" Tanong ni Mandy sa kabilang linya.

Mandy's dad is a Doctor. Her mom died almost 3 years ago. Busy mas'yado ang daddy ni Mandy kaya nasa kaniya si Maldi.

"Okay dad. Ingat ka rin. Love you," huling saad ni Mandy bago niya ibaba ang phone sa mini-table na nasa harap namin, bago ang TV.

"Anong sabi?" Curious kong tanong.

Nagkibit-balikat siya. "Kahit daw sila hindi nila maintindihan. Sabi niya, noong una ang hinala ng mga doctor ay drug intake ang dahilan. Pero no'ng sinuri raw nila, wala namang silang nadetect na drug or chemical sa katawan ng mga pasyente. Hindi nga raw nila alam kung bakit nagpapakamatay ang mga pasyente nila. Ang sabi ng kaibigan ni daddy na pulis, walang history o dahilan ang mga pasyente para magpakamatay. Kaya nagkakagulo ngayon ang ospital sa buong Luzon dahil tumataas pa rin ang bilang ng suicide case."

Sandali akong natahimik. "Posible kayang ang nangyari kay kuya Elmer kagabi ay connected sa nangyayari ngayon sa mundo?" Tanong ko sa kaniya.

"Hi-hindi ko alam," aniya. Napatingin siya kay Maldi sa likuran. Tuwang-tuwa itong naglalaro ng iPad. Hindi nito alam kung anong nangyayari ngayon sa labas. Gaya namin, wala siyang alam sa kung anong nangyayari ngayon sa mundo at kung bakit ito nangyayari. "Sabi ni dad 'wag daw tayong magpanic. Katulong nila ang gobyerno sa paglutas sa kaso na 'to."

SuicidiumTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon