10 : Invader
Mandy's P.O.V.,
"Ate... may napanaginipan po ako. May kumuha raw po sa akin," saad ni Maldi. Pawis na pawis siya kaya agad kong pinunasan ang mga 'yon gamit ang damit na nadala ko. "M-may kumuha raw po sa akin," pag-uulit pa niya bago siya agad na yumakap sa akin.
"Maldi, panaginip lang 'yon. Nandito si Ate oh. Hindi ako papayag na may kumuha sa'yo. Kung mangyari man 'yon, lagot sila kay Ate," matapang kong saad bago ayusin ang gulu-gulo at basang-basang buhok niya dahil sa pawis.
Inaamin ko, kahit may emergency light sa k'wartong ito, madilim pa rin at hindi pa rin 'yon sapat para lumiwanag ang buong k'warto. Sobrang init din kaya kahit ako, pawis na pawis. Gusto ko na ngang tumalon sa malamig na tubig sa sobrang init dahil walang kuryente.
"Ate... nasaan po si Ate Eunice?" Tanong niya sa akin bago tumayo sa kama.
"Nasa baba sila," sabi ko. "Gusto mo bang bumaba? Gutom ka na ba?" Tanong ko sa kaniya nang maalala na hindi pala siya kumain bago siya natulog. Tumango siya bago tumalon pababa ng kama. Sabay kaming lumabas ng k'warto at maingat na bumaba sa hagdan. Madilim dito pero dahil sa kandila sa sala na malapit sa hagdan, naaaninag ko ang bawat baitang.
"Hi Maldi," bati ni Claude kay Maldi pagdating namin sa sala.
"Hello," tugon ni Maldi. "Nasaan po si Ate Eunice, ate? Sabi mo po nandito siya? Miss ko na si ate Eunice!" Aniya bago umupo sa malambot na sofa. Nagcross arms pa siya at nagpout habang nakatitig sa kandila na nanganganib nang maubos.
"Oo nga Claude. Nasa'n na 'yung dalawa?" Tanong ko. Muli akong napatingin kay Maldi. Kahit kailan talaga, minsan pakiramdam ko na si Eunice ang ate niya at hindi ako. Pero wala naman sa akin 'yun dahil para ko na ring kapatid si Eunice. Close na rin si Maldi sa kaniya dahil ilaw taon na kaming magkaibigan ni Eunice.
"Magpupunta yata sa grocery," aniya. Pagkatapos no'n, narinig kong may nagbukas sa harang ng garahe. Ilang minuto pa, narinig ko na ang makina ng sasakyan paalis at ang pagsarang muli ng harang ng garahe. Mukha ngang lalabas sila Eunice para bumili ng supplies namin.
"Sana makabalik sila rito ng maayos," mahina kong sasad bago tabihan si Maldi sa sofa. "Claude, ano ba 'yang ginagawa mo?" Tanong ko sa kaniya nang makita kong titig siya sa kandila at hinahantay ang bawat pagpatak ng natunaw na kandila sa lalagyan nito.
"Ahh. Wala akong magawa," sabi niya bago tumawa at tumingin kay Maldi. "Gusto mo bang kumain ng chocolate?" Tanong niya rito kaya nawala ang kunot sa noo ni Maldi. Agad siyang ngumiti at tumango.
"Wala namang chocolate sa ref ah," saad ko.
"Sa ref wala. Pero sa bag ko meron," sabi ni Claude bago niya ilabas ang tsokolate sa bag na nasa tabi niya mismo. Isa 'yong malaking backpack. Mahilig kasi siyang magcamping at maghike kaya halos lahat ng bag niya eh malalaki at panghiking talaga. "Come here," tawag niya kay Maldi kaya umalis sa tabi ko ang kapatid ko at tumabi kay Claude.
Napangiti naman ako sa ginawang pang-uuto ni Claude kay Maldi.
"Kita mo, p'wede na tayong magkababy," sabi ni Claude habang may mapang-asar na ngiti.
"Baby mo mukha mo!" Sabi ko bago tumayo. Tinawanan lang niya ako kaya inirapan ko siya. "Tse! Doon muna ako sa kusina. Nauuhaw ako," ani ko bago sila talikuran at magsimulang maglakad papunta sa kusina.
Walang ilaw, kaya kapa ako nang kapa sa buong lugar. Muntik na nga akong matisod, buti na lang nakahawak kaagad ako sa pader.
Kumuha ako ng baso sa tauban. Pagkatapos ay nagsalin ako ng tubig mula sa mineral. Walang malamig na tubig kasi hindi gumagana ang ref ngayon. Ubos na rin pati ang laman kaya wala na itong pakinabang.
BINABASA MO ANG
Suicidium
Science FictionSixth Sense Series #3 | There is no such thing as the safest place on Earth. *** A novel. "Death is inevitable, killing is a variable." When an odd and deadly virus spread all over the world, a pharmacist named Eunice has to survive in all means she...