Chapter 9 : Corpses in the road

331 26 1
                                    

9 : Corpses in the road

"Sure ka ba sasama ka?" Paninigurado ni Charles habang naglalakad kami papunta sa garahe kung nasaan ang kotse niya. "It's dangerous outside, kaya ko naman kung ako lang mag-isa," pamimilit pa niya.

"Charles, gusto kong sumama. Isa pa, wala akong magawa sa bahay. Gusto ko ring malaman kung ano nang nangyayari sa labas. Gusto kong makalanghap ng sariwang hangin... well, kung meron pa," saad ko. Muling gumapang ang kaba sa dibdib ko. Hindi ko na kasi alam kung anong aabutan namin sa labas. Kung anong makikita namin. Alam namin na hindi maganda ang makikita namin, pero hindi nawawala ang parte sa akin na iniisip na may tulad din naming nananatili sa bahay.

Narinig ko ang paghinga niya ng malalim. Wala siyang nagawa dahil alam niyang mapilit ako. Agad kaming sumakay sa kotse niya nang mapunta kami sa garahe. Nakasarado ang harang ng garahe pero dahil sa parang remote na hawak ni Charles, kusang bumukas 'yon.

"Ang pinakamalapit na grocery dito ay sa kabilang bayan pa. Aabutin ng isang oras ang byahe natin kaya mas mabuti kung matulog ka muna," sabi niya bago hawakan ang kambyo ng kotse at buksan ang makina ng sasakyan.

"Isang oras lang 'yon Charles. Hindi ko kailangang matulog. Dilat na dilat ako oh," giit ko. Totoo namang dilat na dilat ako. Malay ko ba kung anong p'wedeng mangyari. Gusto ko ring makita kung anong nangyayari sa labas ng bahay. Isang linggo rin kasing nakasara ang mga bintana ng bahay dahil natatakot kaming makapasok 'yung mga psycho. "Siguro mas maganda kung magmadali tayo," ani ko habang nakatingin sa labas ng kotse.

Nagsimula na si Charles na paandarin ang sasakyan. Sa oras na lumabas kami ng garahe, kusa nang nagsarado ang harang no'n.

Madilim na. Pasado alas-otso na kasi ng gabi. Mas'yadong kalmado ang kalangitan. Maraming bituin at may umaalon-alon na ulap. Parang walang problema. Para lamang itong isang normal na gabi tulad nang mga gabing naranasan ko na noon. Kaso nang dumapo ang tingin ko sa dinadaanan namin, nakumbinsi kong hindi ito basta normal na gabi lang.

Maraming sasakyan na kung saan-saan nakaparada. 'Yung iba maayos pa, pero halos lahat sira-sira na. Para bang nasunog na ang mga 'yon. Napansin ko rin ang ilang mga sasakyan na nakataob, patunay na may mga kotseng nagkabanggaan. Dahil sa mga 'to, mabagal at maingat ang pagpapatakbo ni Charles sa sasakyan.

Simula nang lumabas kami, wala pa kaming nakikita kahit isang tao sa kalsada. Kung hindi sila katulad namin, panigurado nasa ibang lugar sila o kaya nama'y... ayokong isipin na marami nang namatay dahil sa nangyayari ngayon, pero mas malaki ang tsansa na gano'n nga ang nangyari.

"Gusto mo bang buksan ko ang rad'yo?" Tanong sa akin ni Charles. Tanging boses lang niya ang nagbigay ingay sa tahimik na lugar. Maliban sa mga yero na maya't-mayang tinatangay ng hangin mula sa bubong ng nadaanan naming bahay, at mga ilaw na nagpapatay sindi na, halatang ilang araw na itong naiwan na nakabukas.

"May signal na ba?" Tanong ko pabalik sa kaniya. Nitong mga nakaraang araw kasi, hindi kami naging updated sa mga nangyayari at sa balita dahil nga nawalan ng kuryente. Hindi namin magamit ang TV. Naisip namin ang mga radyo at isa na rito ang radyo ng kotse ni Charles. Pero tulad ng sa mga cellphone namin, wala ring signal ang mga iyon kahit pa nalibot na namin ang buong bahay ni Charles kakahanap ng signal.

"Susubukan ko," aniya bago binuksan ang radyo. Maingat pa rin siyang nagmamaneho at iniiwasan ang mga sasakyang nakaharang sa kalsada. Nakatingin siya sa kalsada habang ang isa niyang kamay ay iniikot ang radyo para makahanap ng channel na may malinaw na signal. "Mukhang hanggang ngayon wala pa rin," sabi niya bago kami sabay na mapatingin sa radyo.

Dagli kaming napatingin sa kalsada nang may magulungan ang sasakyan ni Charles. Para 'yong humps pero narinig namin ang paglagutok ng isang bagay. Parang kahoy na nagulungan, pero mas malutong ang tunog nito.

SuicidiumTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon