17 : Call of Duty
Mandy's P.O.V.,
"A-ah! Ang sakit!!" Daing ni Claude habang ginagamot ko ang natamo niyang sugat sa hita.
"Ayan, magpaka-hero ka pa!" Sagot ko sa kaniya. Gigil na gigil ako sa paglilinis ng sugat niya kaya nasasaktan siya.
"Pero kailangan nila ng tulong. Hindi naman p'wedeng iwan natin sila basta-basta. Pharmacist tayo. Nakahilera pa rin tayo sa mga gumagamot, alam mo 'yon," giit niya sa akin kaya napabuntong hininga na lang ako.
Tama siya.
Hindi namin magagawang hindi tumulong lalo na sa ganitong mga sitwasyon. Kahilera kami ng mga doktor at ang serbisyo namin ay para rin sa mga tao. Kaya hindi ako p'wedeng maging makasarili.
"Pero pa'no kung... kung may nangyaring masama sa'yo!? Bwiset ka papatayin talaga kita! Pasalamat ka nga nadaplisan ka lang," galit kong bulyaw sa kaniya bago ko nilagyan ng benda 'yung hiwa niya. Maliit lang naman 'yon. Kinailangan ko lang linisin dahil ang daming dugo na lumabas mula ro'n. Tsaka para na rin hindi malagyan ng impeksyon.
Nasa isa kaming town house. Dito kami napadpad matapos kaming sugurin ng mga infected. Kung 'yun ang tawag sa kanila.
Hanggang ngayon kasi hindi pa rin namin alam kung ano sila, at kung anong nangyayari.
May kasama kaming mag-asawa. Buntis 'yung babae na siyang tinulungan ni Claude kanina.
May kasamang isa pang lalaki 'yung mag-asawa. Matikas ang pangangatawan at bihasa sa paggamit ng baril. Siya ang dahilan kung bakit daplis lang ang inabot ni Claude sa mga infected. Nabaril kasi niya agad ang mga 'yon kaya nakatakas kami.
"Kailangan na nating umalis dito," sabi ko matapos kong kuhain si Maldi sa k'warto. Takot na takot siya nang makita kung anong kulay ng hita ko.
"Saan naman tayo pupunta?!" Histerikal na tanong ni Claude habang inaalalayan ako pababa ng hagdan. Pinauna namin si Maldi pero nakikita pa rin namin siya.
"Ka-kahit saan! Hindi na tayo safe sa lugar na 'to. Baka hindi lang si Sir Arellano ang nasa area natin!" Bulalas ko. Natatakot na ako. Gusto ko nang makalayo rito. Habang tumatagal kasi, mas lalong sumasakit ang hita ko. Pakiramdam ko nga, lumulutang na ako dahil hindi ko na maramdaman ang parteng 'yon ng katawan ko.
"Kung aalis tayo, pa'no sila Eunice at Charles? Ha-hahanapin nila tayo," mahinahon na saad ni Claude.
Nakababa na kami sa hagdan at kasalukuyan na naming tinatahak ang daan papunta sa garahe kung nasaan ang kotse ko.
"A-alam kong maiintindihan nila tayo kapag nalaman nila kung anong nangyari sa atin. Sa ngayon, isipin muna natin ang mga sarili natin. Kasama ni Eunice si Charles. Hindi siya pababayaan ni Charles. Safe silang dalawa basta't magkasama sila. Now what we need to do is evacuate. Pagkatapos, tsaka na nating problemahin kung paano natin sila mahahanap," paliwanag ko.
Tumango si Claude.
Nasa batok niya pa rin ang kanang braso ko. 'Yung kamay naman niya nakakapit sa bewang ko para hindi ako mawalan ng balanse. Si Maldi naman, naglalakad sa harapan namin at siya ang nagiging guide namin.
Nang makarating kami sa garahe, dahan-dahan akong sinakay ni Claude sa backseat. Inalalayan din ako ni Maldi. Nauna siyang sumakay sa backseat at marahan akong inakyat sa upuan.
Napapapikit nalang ako sa sakit. Oo nga't manhid na ito, pero pakiramdam ko pa rin may ugat na nabuhol sa loob ng hita ko dahil sa sakit nito. Hindi ko maintindihan pero gusto ko nalang tanggalin ang hita ko sa katawan ko. Tingin ko sa paraang 'yon, mawawala na ang sakit na nararamdaman ko.
BINABASA MO ANG
Suicidium
Science FictionSixth Sense Series #3 | There is no such thing as the safest place on Earth. *** A novel. "Death is inevitable, killing is a variable." When an odd and deadly virus spread all over the world, a pharmacist named Eunice has to survive in all means she...