Chapter 6 : Shotgun

379 33 2
                                    

6 : Shotgun


"I'll be there in a minute," pinal na saad ni Charles bago niya ibaba ang tawag. Kanina pa namin pinagtatalunan kung dapat ba siyang pumunta rito sa apartment namin ni Mandy. I said no need pero he insisted. Kami lang daw kasi ang nandito, puro babae at ang lalaking kasama namin bata pa. Baka raw kung anong mangyari sa amin kaya rito raw muna siya tutuloy for enough days hanggang sa matapos ang kaguluhan.

Kailan nga ba matatapos? Eh mukhang nagsisimula pa lang.

"Hulaan ko. Pupunta siya rito," saad ni Mandy habang nagluluto. Narito kami ngayon sa kusina, at naglalaro naman si Maldi sa sala.

"Paano mo nalaman?" Tanong ko.

"Base sa expression na meron sa mukha mo. Isa pa, knowing Charles. Mas'yadong gentleman ang isang 'yan. Alam mo namang protective 'yang soon to be boyfriend mo," nakangising sabi niya habang naghihiwa ng panggisa. "Alam mo Eunice. Hindi kita maintindihan. Ilang taon mo na bang pinaghihintay 'yang si Charles? Ilang taon na bang nangliligaw si Charles sa'yo? May balak ka bang sagutin 'yung tao?" Sunud-sunod niyang tanong sa akin habang seryosong nakatigtig sa akin pero may nakakalokong ngiti sa labi.

Hindi ako umimik. Nanatili akong tahimik habang nakatingin sa ginagawa niyang pagluluto. Marunong kaming dalawa magluto, pero hindi tulad ni Mandy, mas makalat ako sa kusina. "Mandy, bakit mo ba sinagot si Claude?" Tanong ko sa kaniya nang maalala kung gaano kabilis napasagot ni Claude si Mandy.

"Kasi parehas naman kami ng nararamdaman?" Alanganing sagot nito. "Alam mo Siz," umayos siya ng tayo bago tumitig sa akin. "Hindi naman sa kung gaano katagal siya nanliligaw, at hindi naman sa paraan kung paano siya manligaw mo malalaman kung worth it ba siya. I mean, yes, isa sa mga basehan ang effort niya. Pero after mo kasi siyang sagutin, unti-unting mawawala lahat 'yan. Ang tangi na lang niyang gagawin, ay mahalin ka which is ginagawa na niya no'ng nanliligaw pa lang siya. I hope you get what I'm trying to say," aniya bago bumalik sa ginagawa.

Hindi ako umimik. For me, there's no sense sa sinabi ni Mandy. Basta para sa akin, hindi pa ito ang tamang oras para pag-isipan kung kailan sasagutin si Charles. I want to know him more. Kahit pa halos dalawang taon na niya akong nililigawan, tingin ko may hindi pa ako alam sa kaniya. Tsaka kung sakali, siya ang first ever boyfriend ko. Gusto ko kasi, 'yung first boyfriend ko ay ang last ko na rin. Ang pangit kasi talaga na nagmahal ka sa unang pagkakataon, nagsabihan kayo ng I love you, tapos nagbreak kayo at may bago ulit, then nag-I love you-han nanaman kayo. Para saan 'yung unang I love you? Mema lang gano'n?

"Tingnan mo nga si Maldi, siz. Baka mamaya hindi na laruan 'yung nilalaro niya," sabi ni Mandy kaya tumango lang ako kahit hindi naman niya nakikita dahil nakatalikod lang siya sa akin. Naglakad ako papunta sa sala kung nasaan ang kapatid niya. Hindi tulad kanina na naglalaro siya ng mga laruan niyang kotse, ngayon naman nakita ko siyang naka-upo sa sahig at nagddrawing sa sketch pad niya.

Tumabi ako sa kaniya at nag-indian sit sa tabi niya habang tinitingnan ang kung anong ginuguhit niya. I really think that Maldi will have a good future when it comes to sketching. He's quite creative in his own way. Resourceful at pangarap niyang maging architect someday. 'Yun ang palagi niyang sinasabi kapag tinatanong siya ng ate niya kung anong gusto niyang maging trabaho paglaki.

"Ano 'yan?" Tanong ko kay Maldi. Hindi siya lumingon sa akin at pinagpatuloy ang pagpinta. "Ito ang unang beses na makita kitang magpaint. Maaari ko bang makita?" Nakangiting tanong ko sa kaniya. Hindi ko kasi mas'yadong makita kung anong nasa sketchpad niya dahil natatabunan ito ng mukha niya. Halos nakangudngod na ang mukha niya sa pad pero nakita kong may hawak siyang paintbrush kaya I assumed na nagppaint siya.

Huminto siya sa ginagawa niya.

Nakangiti kong inabot ang sketchpad kung nasaan ang painting niya.

SuicidiumTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon