18 : The One Who Saved You
"Claude!?"
Hindi ko alam kung paano gagana ang katawan ko nang makita ko si Claude.
"Lu-lumayo ka sa... sa.. a-akin!" Agad na sigaw ni Claude.
Nakahawak siya sa hita niya, sa kung nasaan ang hiwa niya. Mukhang naging mali ang paggalaw niya kanina, dahilan para bumukas lalo ang hiwa sa hita niya. Tuloy-tuloy na kasi sa pagagos ang dugo ro'n. At hindi ko alam kung anong dapat kong gawin.
"C-Claude! Anong nangyayari sa'yo!?" Sigaw ko.
Napahawak ang isa niyang kamay sa may lamesa. Pinipilit niyang lumayo sa amin ni Maldi.
Hindi niya sinagot ang tanong ko. Mas lalo pa akong kinabahan nang mapahiga siya sa sahig. Iyak ako nang iyak. Wala akong magawa!
"Claude!? Claude 'wag ka ngang magbiro! Hoy! Tumayo ka riyan! Hindi magandang biro 'to!" Sigaw ko sa kaniya. Kunwari ay natatawa pa ako pero basang-basa na ang mukha ko nang pinaghalong luha at pawis.
"Anong nangyayari rito!?" Agad na tanong ni Randy paglabas nila sa k'warto. Kasama niya si Jiro sa likuran niya.
"S-si Claude!" Tangi kong saad. Hindi ko alam kung anong nangyayari sa kaniya. Natatakot akong malaman kung anong nangyari sa kaniya. "Hi-hindi pa siya patay hindi ba?" Agad kong tanong sa gitna ng bawat paghikbi ko.
Dahil sa ingay ng iyak ko, nagising si Maldi. "Bakit ka umiiyak?" Tanong nito sa akin. Hindi ako sumagot kaya niyakap nalang niya ako.
Si Randy at Jiro naman, lumapit kay Claude.
Hinawakan ni Randy ang pupulsuhan ni Claude. Hinawakan rin niya ang gilid ng leeg nito.
"He's... he's dead," mahinang saad ni Randy. Pero sapat na 'yon para marinig ko.
"Hindi! Hindi pa siya p-patay! Sino ka para sabihin patay na si Claude!" Sigaw ko. "P-pulis ka lang! Hi-hindi ka doktor!" Dagdag ko pa.
Dahil sa pagsigaw ko, naiyak na rin si Maldi.
Umiling-iling si Randy bago tumayo. "I'm sorry. Pero wala na siya," aniya kaya mas lalo akong naiyak.
Hindi.
Hindi p'wede!
Hiwa lang 'yon! Hindi siya p'wedeng mamatay nang dahil lang sa hiwa! Alam kong maraming dugo ang nawala sa kaniya, pero dahil 'yon sa paggalaw niya! Kaya mas lumala ang sugat niya ay dahil sa maling galaw niya. Kaya sigurado akong hindi ang hiwa niya ang dahilan kung bakit siya nagkagano'n!
O baka naman...
Hindi 'yung hiwa ang dahilan.
Napahinto ako sa pagiyak nang biglang bumangon si Claude.
"C-Claude..." hindi makapaniwalang saad ko.
Nakita ko ang gulat sa mga mata nila Randy at Jiro. Pero wala akong pakialam.
"Maldi, dito ka muna," sabi ko sa umiiyak kong kapatid. Hinayaan ko siya sa sahig bago ako dahan-dahang gumapang kay Claude.
"A-anong nangyari? Bakit nandito ako? Bakit nandito kayo?" Tanong niya sa amin. "Mandy. Hey," sabi niya bago ako tulungan. Inalalayan niya akong makatayo bago tumingin sa gulat na sina Randy at Jiro.
"A-akala ko..." hindi ko natuloy ang sasabihin ko. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kaniya. Hindi ko rin kasi alam kung anong totoo.
Hindi siya patay!
'Yun ang gusto kong isigaw kay Randy at Jiro.
Mali sila dahil hindi patay si Claude.
"Bakit ka umiiyak?" Tanong niya sa akin. Pinupunasan niya ang mga luha ko sa mukha kaya bahagya akong napangiti. Ngumiti rin siya sa akin bago ako yakapin ng mahigpit. "Stop crying. Hindi ko alam kung bakit ka umiiyak. Pero huminto ka na... alam mo namang naiiyak din ako kapag umiiyak ka," saad niya pa kaya bahagya akong natawa.
BINABASA MO ANG
Suicidium
Science FictionSixth Sense Series #3 | There is no such thing as the safest place on Earth. *** A novel. "Death is inevitable, killing is a variable." When an odd and deadly virus spread all over the world, a pharmacist named Eunice has to survive in all means she...