11 : That's Painful
Mandy's P.O.V.,
"S-sir Arellano?"
Hindi ako makapaniwala. Ayokong maniwala pero nasa harapan ko talaga si sir Arellano. Ang amo namin. Hindi ko siya kayang patayin dahil naging malapit na siya sa amin ni Eunice at Claude. Hindi man namin siya palaging nakaka-usap, madalas naman namin siya makasama sa trabaho dahil nagchecheck siya sa pharmacy.
Hindi ko alam kung paano siya napunta rito. Huling kita namin sa kaniya ay no'ng namatay si Kuya Elmer. Noong nasa ospital pa kami. Ang sabi pa nga niya noon, may pupuntahan pa siya kaya hindi niya kami maihahatid. Nakapanlulumo lang na ngayon, nasa harapan ko siya at wala na sa sarili niya. Gusto kong isipin na hindi na siya ang amo namin nila Eunice. Gusto kong isipin na isa na rin siyang baliw tulad ng nga iniiwasan namin.
Pero hindi ko kaya.
"Mandy!" Huli na nang sumigaw si Claude. Wala na akong proteksiyon o panlaban dahil nabitiwan ko sa sahig ang fire extinguisher na kanina'y hawak ko. Nasira lahat ng plano ko para matalo ang baliw na pumasok sa bahay na 'to, which happens to be sir Arellano.
Naramdaman ko na lang na biglang nanghina ang buong hita ko. Gusto kong sumigaw sa sakit pero naramdaman ko na lang na namanhid ang parteng iyon ng katawan ko. Hindi ko alam kung ano nang nangyayari. Sobra kasing bilis ng mga pangyayari. Gusto ko nang matapos pero hindi ko alam kung paano. Unang-una kasi sa lahat, wala akong magawa dahil nakahiga na ako sa sahig.
Hindi na ako makatayo dahil sa natamo kong hampas mula sa maso na hawak nang muli ni sir Arellano. Sa bilis ng mga pangyayari, hindi ko na nasundan pa ang lahat. Nakita ko na lamang na lumuluha na ako dahil sa live action na nakita ko, habang tinititigan ang kung anong kumikinang sa kamay ni sir Arellano.
Isang singsing.
Ilang beses umilag si Claude kay sir Arellano. Wala na talaga siya sa sarili dahil nakilala namin siya bilang seryoso at halos walang emos'yong tao. Simula nang mamatay ang asawa niya, naging ganiyan na siya. Alam ko hindi pa namin siya kilala ng lubos, pero may alam na ako sa kaniya kahit papaano. Lalo na ang mga ugali niya.
"C-Claude," halos walang boses na lumalabas sa bibig ko. Nagulat ako sa lahat ng mga nangyayari. Hita lang naman ang napuruhan sa akin, pero bakit buong katawan ko nadamay? Bakit pati boses ko, hindi ko na makontrol?
Kinakabahan ako sa mga p'wedeng mangyari. Kinakabahan ako na baka mahuli ako kaya pinilit kong gumapang. Hindi kasi talaga ako makatayo kaya ang paggapang na lang ang nakikita kong paraan para makuha ang fire extinguisher sa sahig.
Sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Pasalit-salit ang tingin ko sa extinguisher at sa naglalabang sir Arellano at Claude. Ilag nang ilag si Claude sa maso ni sir Arellano. Pero ilang beses siyang nadaplisan. Sinusubukang lumaban ni Claude, pero mas may advantage ang kalaban niya dahil sa hawak nitong maso. Isa pa, amo rin ni Claude ang kalaban niya.
Kaya puro depensa ang nagagawa niya. I know he's hesitating to launch an attack. Parehas lang kami ng nararamdaman ngayon. Hindi namin kayang saktan ang taong tumulong sa amin sa pinansiyal na pangangailangan. Si sir Arellano ang nagbigay sa amin ng opportunity na makapagtrabaho at kumita.
Wala akong magawa kung 'di umiyak at alalahanin ang mga araw na nakasama namin si sir Arellano. Yes, boss namin siya. Hindi siya sobrang close sa amin. Pero boss pa rin namin siya at may ginampanan siyang malaking papel sa buhay namin. Tingin ko ang OA ko na, pero ito ang nararamdaman ko e. Wala akong magagawa. Buti nga itong puso ko, hindi pa namamanhid. Hindi tulad nitong hita ko.
"Sir Arellano, I'm sorry pero kailangan kong gawin 'to!" Sabi ni Claude bago niya ihagis sa ere 'yung vase na nakita niya sa tabi. Sakto sa mukha ni sir Arellano, pinalo niya ng baseball bat 'yung vase. Tumalsik ang mga piraso noon dahilan para malito ang baliw na bersyon ni sir Arellano.
BINABASA MO ANG
Suicidium
Science FictionSixth Sense Series #3 | There is no such thing as the safest place on Earth. *** A novel. "Death is inevitable, killing is a variable." When an odd and deadly virus spread all over the world, a pharmacist named Eunice has to survive in all means she...