Chapter 12 : Her name is Hershie

301 25 12
                                    

12 : Her name is Hershie

Eunice's P.O.V.,

Pagkabukas nung glass door, nagmasid muna kami sa buong paligid. Nakiramdam muna kami kung may iba pang tao bukod sa amin. At base sa tahimik at magulong lugar, mukhang kami lang ang tao rito na napadpad.

Nagsimula na kaming maglakad. Maingat ang bawat hakbang namin dahil hindi namin alam kung kailan may susulpot na psycho sa harapan namin. Psycho na hanggang ngayon hindi namin alam kung saan at paano naging psycho. Tingin ko kailangan na namin ng signal. Wala na talaga kaming alam sa mga nangyayari.

"Charles, kailangan talaga natin maghiwalay para mas mabilis. Hindi agad tayo makakabalik kung hindi tayo magseseparate ng stalls," sabi ko sa mahinang boses. May dala-dala kaming cart na nakita naming pakalat-kalat.

Sa totoo lang, hindi lang ito ang nakakalat sa store na 'to. Lahat halos. Kulang na nga lang bumagsak ang mga stalls dahil sa gulo ng mga arrangement nito. Gaano kaya karaming tao ang nandito no'ng magsimula 'tong gulo na 'to.

"Eunice---"

"I have gun," pagputol ko sa sasabihin niya. "I g-guess I know how it works," dagdag ko pa kahit hindi ko naman talaga alam kung paano ito ginagamit. Hindi ba't pinipindot lang naman ang trigger nito?

"But still, Eunice. I can't risk," aniya. Bumuntong hininga siya bago kami makapunta sa counter. Maraming paper bags na nakakalat. Nasa likuran niya pa rin ako at para akong protected ng security guard.

"Charles, aabutin tayo ng---"

"I don't care, Eunice," sabi niya. I heaved a sigh dahil mukhang hindi ko na siya mapipilit.

Pumunta kami sa SOS kits. Kabilang dito ang flaslight, batteries at whistle. Mabilis naming nakuha ang lahat ng kailangan namin. Kumuha si Charles ng tatlong flashlight at kinuha ko naman ang lahat ng natitirang batteries. Lahat ng klase para sigurado. Pagkatapos ay limang pito para sa amin nila Claude, Charles, Mandy at Maldi.

Nanatili kaming tahimik hanggang sa makarating kami sa first aid kits. Sa kabilang hilera lang ito ng SOS kits kaya hindi kami nahirapang kuhain lahat ng kailangan namin. Bond aids, alcohol, cottons, at mga benda na sa tingin ko balang araw magagamit namin. Lalo na sa panahon ngayon na wala talaga kaming alam. All we know is everyone is in danger.

"Charles, I think 'yung mga pagkain nasa dulong stalls pa. 'Yung mga chips at junk foods hiwalay sa frozen goods at drinks. Kailangan talaga nating maghiwalay para sa mga 'yon," giit kong muli.

This time, lumingon si Charles sa akin. Tinitigan lang niya ako hanggang sa magpakawala na siya ng buntong hininga. Ayaw niya talagang humiwalay ako sa kaniya.

"Kaya ayokong sumama ka sa'kin dito sa loob e," mahina niyang sabi. "Ang kulit mo kasi."

"Pero kailangan talaga nating maghiwalay, para mas mabilis tayong makaalis," pangangatuwiran ko.

"I know," he slightly brushed his hair in frustration. Tumingin ulit siya sa akin. "Just promise that you'll make a way para malaman ko kung nasa panganib ka. Don't shout, I mean. Gumawa ka ng ingay na tayong dalawa lang ang makakarinig. Mahirap na, baka maraming makarinig sa atin, mas lalo tayong mahirapang makauwi," bilin niya.

"Yes father," pasaring ko bago magsimulang maglakad papunta sa junk food stall. Pero hindi pa ako nakakalayo, hinawakan na agad ni Charles ang kamay ko.

"I-ingat ka," sabi niya kaya tumango ako. "Let's meet sa entrance. Doon tayo maghintayan," dagdag pa niya.

"Okay," maikli kong tugon bago bawiin ang kamay ko.

SuicidiumTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon