8 : Special Task Force
Isang linggo matapos kaming lumipat pansamantala sa bahay ni Charles, mas lalong lumala ang sitwas'yon. Hindi na lalo kami nakalabas sa takot na may mangyaring masama sa amin.
Mas'yadong maghipit ang pagbabantay sa lahat ng kalsada sa unang araw ng lockdown. Sinusuri ang bawat dadaan. Tinitingnan ang temperatura, tinitingnan kung may senyales na katulad sa mga nagpapakamatay, at inaalam kung sila ba ay namatay na. Bagay na hindi gaanong malinaw sa akin. Mas'yado itong nakakapanindig balahibo. Isang weird na tanong ng mga sundalo sa bawat checkpoint pero alam kong ginagawa lang nila ang sa tingin nila ay kailangan.
Sa ikalawang araw, walang bago bukod sa mas lalong pagdami ng mga taong nagpapakamatay sa buong mundo. Umabot na kasi ito sa kalahating milyon at patuloy pa rin sa pagdoble. Ayon sa WHO, kung hindi malalaman kung bakit dumarami ang bilang ng mga nagpapakamatay, maaaring umabot sa isang daang milyon ang kaso sa loob lamang ng isang linggo.
Sa ika-apat na araw namin sa bahay ni Charles, nawalan ng kuryente. Hindi namin alam kung bakit, pero namatay na lang bigla ang ilaw at mga electric fan. Sinubukan naming tawagan ang mga magkukumpuni, pero walang sumasagot sa kabilang linya. Wala kaming alam sa nangyayari ngayon at nang tinangka naming malaman kung ano na ang nangyayari sa labas, muntik na kaming mamatay lahat.
Muntik na kasing makapasok sa bahay ang isang infected---kung ito man ang tawag sa kanila. Mabuti na lamang at mabilis na naisara ni Claude ang pintuan ng bahay. Simula noon, nagtiis kami sa kandila na nanganganib ng maubos. Hindi na kami lumabas pa. Sinubukan naming lahat na tumawag sa mga kaanak namin, pero walang sumasagot. Nalaman naming lahat na walang signal ang kahit anong SIM at network.
Mukhang pati 'yun, ay hindi na napagtuunan ng pansin.
Heto kami ngayon, wala ng alam sa nangyayari sa labas. Hindi na nga namin alam kung gaano na karami ang taong nagpapakamatay. Hindi pa rin malinaw sa amin kung ano ba talagang nangyayari. Kung ito ba ay isang sakit na nakakahawa, o ito ay isang krisis na may malalim na dahilan kaya maraming tao ang nagpapakamatay at pumapatay.
Third Person's P.O.V.,
Indonesia.
Ang kaso ay lumobo na sa 889,000.
Isa ang bansang Indonesia sa mga bansang tinutuklas kung anong nasa likod ng krisis na ito. Pero dahil ang mismong mga politiko at m'yembro ng gob'yerno ang namamatay, nauubusan na ng trabahador ang bansa. Bukod pa rito, ang bansa ay nagkaroon na ng total lockdown at wala nang p'wedeng makapasok at makalabas sa bansa.
China.
Ang may pinakamalaking populas'yon sa buong mundo. Umakyat na sa 783,567 ang kaso ng pagpapatiwakal sa bansang ito. At dumarami pa sa bawat oras na nagdadaan.
Nagbukas ang China nang massive investigation upang matuklasan kung bakit nagpapakamatay ang mga tao at kung bakit tila nakakahawa ang gawaing ito. Sinusuri rin ng kanilang pinakamagagaling na mga doktor at sayantipiko ang blood samples mula sa mga taong nagpakamatay.
Japan.
Halos wala nang tao ang makikita pa sa kanilang Capital. Ang kaso kasi ng suicide sa bansa nila, ay naging triple sa loob lamang ng tatlong araw. Umabot na ito sa 475,900 at patuloy na tumataas sa bawat minutong lumilipas.
Italy.
Kabilang sa 998,008 na kaso ng bansang Italy ang Santo Papa. Tulad ng maraming bansa, nakataas na sa red alert ang buong bansa at sumasailalim na sa total lockdown.
Philippines.
Napapagitnaan ang bansa ng mga bansang may mararaming kaso ng suicide. Ang bansang Taiwan, na may pinakamataas na kaso ng pagpapatiwakal na mayroong 1,070,980 cases, ay malapit lamang sa Pilipinas. Gayunpaman, ang kaso ng suicide sa Pilipinas ay naglalaro sa 400,069 cases at patuloy na lumalago.
BINABASA MO ANG
Suicidium
Science FictionSixth Sense Series #3 | There is no such thing as the safest place on Earth. *** A novel. "Death is inevitable, killing is a variable." When an odd and deadly virus spread all over the world, a pharmacist named Eunice has to survive in all means she...