5 : Doubled
"Takbo!" Ani sa akin ng worker ng grocery na tumulong sa akin sa pagbubuhat ng bigas. "Susunod ako sa'yo, basta mauna ka nang lumabas!" Aniya pa kaya wala akong ibang nagawa kung 'di lumabas ng grocery dahil sobra akong natataranta.
Ang daming tao na nagsisiksikan sa maliit na glass door ng grocery store. 'Yung iba naman parang gulat na gulat at hindi naiwasang himatayin sa nakita. 'Yung iba hindi makapaniwala at napako sa kinatatayuan. Sila ang mga unang tinarget ng babaeng kanina lang ay nakahandusay sa sahig. Hindi lang siya nag-iisa. Mula sa dulong stalls, kung nasaan ang mga batteries at iba pang SOS items, may dalawa pang lalaki na bigla-bigla na lang dumadagit ng mga taong nakikita.
'Yung isa sa kanila, may hawak na kutsilyo. Tingin ko galing siya sa kitchen tools department ng store. Akala ko grocery store itong napuntahan ko. Mukhang all-in store yata 'tong napasukan namin ni Mandy. And speaking of Mandy, natataranta ako dahil wala pa siya rito sa kotse. Hinayaan kong ilagay ng worker 'yung bigas na bitbitan niya sa likod ng kotse.
"M-miss una na ako!" Aniya.
"S-sige salamat ng marami," tugon ko sa kaniya. Lahat ng bitbit ko, nilagay ko na rin sa compartment ng kotse. Dala ko pa nga 'yung de gulong na tray dahil hindi ko alam kung paano bibitbitin lahat ng mga pinamili ko. Kabadong-kabado na ako dahil hindi ko alam kung nasaan na sila Mandy. Mas nag-aalala pa ako kay Maldi dahil bata pa 'yon at hindi niya dapat nakikita ang mga ganitong senaryo.
Gusto kong bumalik sa loob dahil hindi na ako mapakali sa kotse. Lalo't nakikita kong ang daming mga kumpulan ng tao na lumalabas pa sa store. 'Yung iba nasasagasaan na ng mga dumadaang kotse at motorsiklo mula sa labas ng store. Pero karamihan sa kanila, walang pakialam basta't makalayo lang sa mga taong 'yon. Hindi ko alam kung dapat ba sa kanila ang salitang infected dahil hindi pa naman alam kung sakit ba ito, o murderer dahil sa ginagawa nila.
Nakumbinsi ko na ang sarili ko na pumasok muli sa loob ng store, nang biglang lumabas ang isa sa tatlong infected o murderer mula sa store. Siya 'yung may hawak na kutsilyo. Napako ako sa labas ng pintuan ng kotse ni Mandy. Nakita ko kasi kung paano niya dagitin 'yung buhok ng isang babae na lumalayo sa kaniya. Sobrang bilis ng mga pangyayari. Namalayan ko na lang na dumudugo ang leeg ng babaeng hinablot niya. Mas lalo tuloy naging magulo ang mga tao.
Akala ko tapos na siya sa ginawa niyang paglaslas sa leeg ng babae. Pero hindi pa siya nakuntento dahil pinutol niya ang parehong mga tainga nito. Pagkatapos ay nilagay sa mga bibig niya at nginuya-nguya. Doon ako napapasok sa loob ng kotse. Hindi ko alam kung anong dapat na maramdaman. Parang bumabaligtad ang sikmura ko at hindi ko masikmura ang nakita ng mga mata ko.
Wala sa tamang kaisipan ang taong 'yon.
Nakita ko pa mula sa bintana ng kotse kung paano niya putulin ang sarili niyang dila gamit ang kutsilyong nakuha niya mula sa store. Pagkatapos no'n ay tumawa pa siya at hinagis sa mga nagtatakbuhang mga tao ang dila niya. Pagkatapos no'n, ang pinakanakakadiring bagay na ni minsan hindi ko naisip, ay nakita mismo ng mga mata ko, at ng mga taong malapit sa lugar ng lalaki.
Binaba niya ang suot niyang pang-ibaba. Ang pantalon niya. Pagkatapos, ang suot niyang underwear. Tumambad sa amin ang pagkalalaki niya kaya naman agad kong iniwas ang tingin ko. Alam ko na ang susunod na mangyayari, at sobrang nakapanlulumong makita mismo 'yon. Naiyak na lamang ako habang nasa loob ng kotse. Hindi ko alam kung nasaan na sila Mandy at Maldi ngayon. Hindi ko alam kung paano makakaalis dito dahil dala ni Mandy ang susi ng kotse.
Napayuko ako sa manibela habang tahimik na umiiyak. Ano bang nangyayari ngayon? Bakit parang ang gulu-gulo? I mean, yes, talagang magulo sila, pero bakit? Hindi pa rin malinaw sa akin ang mga nangyayari. Hindi na kaya pa ng sarili ko kung makakakita pa ulit ako ng kahindik-hindik na pangyayari. Hindi na kakayanin pa ng sikmura ko. Baka bumigay na ang sistema ko kapag nakakita pa ako ng mga ganitong uri ng senaryo.
BINABASA MO ANG
Suicidium
Science FictionSixth Sense Series #3 | There is no such thing as the safest place on Earth. *** A novel. "Death is inevitable, killing is a variable." When an odd and deadly virus spread all over the world, a pharmacist named Eunice has to survive in all means she...