Kabanata 1

5.4K 132 7
                                    

"Ano ba Maria! Hindi ka ba talaga babangon diya'n?Kanina pa ako nagsi-sigaw dito huh!"

"Palabas na po."

"Aba! Araw-araw na lang 'yang rason na 'yan, gutom na kami ng Tito mo."

Araw-araw na lang 'yong senaryo na 'to, nakakasawa na din pero wala akong magagawa.

"Opo!"

"Dalian mo Maria ah! Kung hindi malilintikan ka sa 'kin."

Hindi na ako sumagot at binilisan ko na lang ang pag-ayos sa aking gamit dito sa atic. Ang galing nga e iniwan sa akin ng Nanay ko ang bahay pero sila Tita ay ginawa akong katulong.

Pero ni minsan ay hindi ako nagreklamo kahit sobra na akong nahihirapan, dahil itinuro ni Nanay na masama ang sumagot sa matatanda.

Pagkababa ko ng hagdan, ay nakasimangot na mukha ni Tita ang sumalubong saakin.

"Dalawang minuto na kaming naghihintay sa iyo, Binibini."

"Sorry po."

"Ay siya, si Tito mo na lang ang paglutuan mo at baka mahuli ako sa aking raket ngayong araw dahil diya'n sa kaku-padan mo."

"Opo."

"Pakainin mo yung mga manok at lagyan mo ng tubig bago ka pumasok sa eskuwelahan mo."

"Sige po."

Akala ko tapos na pero lumingon ito at saka muling nag-salita, "Iyong ilang labahin pala na nasa kuwarto namin, pag-uwi mo labhan mo."

"Sige po."

At tuluyan na itong lumabas sa pinto ng bahay namin.

"Maria?"

Tawag ni Tito sa akin.

"Po?"

"Sumabay ka na sa 'kin kumain."

Nakangising-aso na anyaya ni Tito sa akin, kinakabahan talaga ako kapag kami lamang dalawa natitira sa bahay e.

"Mamaya na lang po ako."

"Halika na."

"A-ayusin ko pa po yung mga manok sa likod bahay."

"Mamaya na 'yon, kumain ka na muna."

"Hindi na po talaga, Tito." Magalang pa rin na tanggi ko.

Magsa-salita pa ulit ito pero lumisan na ako sa kusina at tumungo sa likod bahay.

Pagka-ayos ko sa mga manok ay papasok na ako sa aking school, kasalukuyan akong senior highschool student sa Antipolo National High School.

Pagdaan ko sa kusina nang tawagin ako ni Tito.

"Ah Maria?"

"Po?"

"Pakihugasan naman 'tong pinagkainan ko."

"Iwanan niyo na lang po diya'n."

"Hugasan mo na."

Nakangiting ani nito.

Para hindi na siya mangulit pa ay kinuha ko ang pinagkainan niya at pumunta sa lababo ng maramdaman ko ang kamay ni Tiyo sa aking puwetan.

"Ano pong ginagawa ni'yo, Tito?"

"Napa daplis lang, Maria."

"Huwag niyo na pong uulitin, hindi po tama 'yon."

"Inaakusahan mo ba ako, Maria?" Mariing wika nito.

"Hindi po."

"Maghugas ka lang diya'n."

At buong kamay niya na ang pinang-hawak sa pang-upo ko, napapitlag ako at akmang magsasalita ng tumakbo na si Tito papuntang kuwarto nila.

Ang Panlimang Binibini(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon