Kabanata 61

269 5 0
                                    

A/N:At dahil naka-abot na tayo sa 60 kabanata,kulay violet na ang theme hintayin po ang kulay blue(Ibig-sabihin malapit na ang katapusan nuon).'yon lang at good evening,Enjoy Reading ka-dreamers💙

---

Ang Paglutas

"F-fransisco?"

Nauutal na ani ni Maria habang nakatingin sa kaniyang kaharap.

"Nag-iisang tae mo."

"H-hindi parin niya naka-kalimutan ang tawag na 'yan?"

Natuod na lamang si Maria nang yakapin siya ng binata.

"Labis akong nangulila sa 'yo.Ikaw ba?"

Hindi alam ni Maria kung yayakapin niya pabalik ang binata ngunit iniangat niya rin ang kaniyang braso upang yakapin din si Fransisco.

"A-ako den,kamusta 'yong kaso niyo?"

Ngumiti naman si Fransisco.

"Naku huwag mo nang intindihin 'yon,inaayos na ni Ama.At saka narito ako upang makasama ka,huwag na muna natin isipin ang mga problema."

Napa-iling si Maria.

"Hindi,Fransisco.Hindi tayo basta na lamang pipikit sa mga problemang kumakalat at tiyaka lamang didilat kapag naresolba na nang ibang tao.Habang maliit pa lamang ay kailangan na natin 'tong puksain."

Natahimik sandali si Fransisco at pinagmasdang maigi si Maria habang nakahawak parin sa beywang ng dalaga.

"Hindi naman sa ganuon pero kaya nga ako narito upang sulitin ang aking oras upang makasama ka."

Tumingin ng diretso sakaniya si Maria at tiyaka dahan-dahang inalis ang pagka-kahawak ng binata sa kaniyang beywang.

"Tapos ano?Kinabukasan mas malala pa ang problema na ating kakaharapin?Kapag marami nang nasaktan sa bayan ngayon?"

Hinawakang muli ni Fransisco ang mga kamay ni Maria.

"Naiintindihan kita,pero nais ko lang naman na sulitin natin ang mga oras habang narito pa ako.Maari tayong magsaya sa gubat at---"

Kaagad siyang pinutol ni Maria sa pagsasalita at bahagya pang lumayo.

"Edi isa lamang ang ibig sabihin ng ganiyang patakaran mo,Makasarili ka.Iisipin mo pa ang kasiyahan na mararanasan natin kaysa sa mga taong nanga-nganib ang buhay sa bayan?"

Muling lumapit si Fransisco at kinulong sa kaniyang mga bisig si Maria.

"Hindi natin trabaho ang promotekta sa mga tao,Maria.Oo sabihin mo nang makasarili ako,masisisi mo ba ako kung nais na kitang makasama?Mayakap?"

"Pero Fransisco alam ko ang maaaring mangyari sa mga tao na naruon sa bayan!Konsensiya ko kung ano man ang mangyari sa kanila alam mo---"

Pinutol siyang muli ni Fransisco.Nagulat si Maria ng lumapat ang kaniyang likod sa isang puno at pagkuway sinuntok 'to ng binata.

"P*tangina na konsensiya 'yan!Kahit ba minsan nagkaroon ka ng pakielam sa 'kin?Sa relasyon natin?Kasal na tayo Maria,pero bakit parang magnobyo't nobya lamang ang turing mo sa relasyon natin?Na puwedeng baliwalain ang isa't-isa?T*ngina."

Halos matuod si Maria at manghina ang kaniyang mga tuhod na kahit na anong oras ay babagsak na siya sa lupa.Nagular siya sa biglaang pagsigaw ni Fransisco.

Ang Panlimang Binibini(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon