Kasiyahan
Pagsilong ko sa kubo na kinaroroonan ni Ginoong Fransisco ay agad akong nagpagpag ng sarili dahil sa mga ulan na nasa aking katawan.
Agad namang tumalikod si Ginoong Fransisco at lumayo sa akin.
"Suotin mo ito at ipantakip riyan sa iyong katawan."
Garalgal na sabi nito at agad ko naman itong kinuha at ginawa ang kaniyang sinabi.
"Bakit ka nga pala nagpaulan?Wala bang pamandong o payong ruon?"
Dagdag na ani nito habang nakatalikod sa akin.
"Hindi ko na naalala pang magdala dahil inaalala ko ang iyong kalagayan,sapagkat umuulan."
"Sana ay nagdala ka ng pamandong upang hindi ka magkasakit,kamusta ang iyong braso?"
"Tumigil na rin ang pagdurugo ngunit masakit parin."
"Mas lalo iyang sasakit dahil nabasa ng ulan."
"Sanay na naman ako sa sakit,biro lang."
Akala mo naman nakakatawa yung birong nabanggit ko e no?Hahaha.
"Halika at umakyat sa itaas nitong kubo,baka may mga kagamitan sila upang tumuyo ang iyong kasuotan."
"Sige."
Umakyat na kami at malinis ang loob nito.
May isang papag,may parang kusina na may mga kahoy.Probinsiyang probinsiya talaga ang theme ng kubo na ito.
"Maupo ka muna riyan sa papag."
Ani niya sa akin,hindi ko maiwasang kiligin hihihi.
Enebe.
Habang nagsisilab siya ng mga kahoy sa lutuan ay agad naman akong nagtanong.
"Oum,Ginoong Fransisco?"
"Bakit?"
"Nais ko sanang itanong kung ano ang iyong pakay sa pagtawag sa akin?"
"Nais kong ipaalam sa iyo na mag-iingat ka kay Ginoong Romeo,may nais siyang malaman ukol sa iyo."
"Si Ginoong Romeo?Anong mayroon sa kaniya?"
"Basta't huwag mo lamang sabihin sa kaniya ang iyong mga sikreto ng basta-basta lamang.Hindi mo alam kung sino ang iyong pagkakatiwalaan sa bawat taong nakapaligid sa iyo."
"Ikaw?Hindi kita puwedeng pagkatiwalaan?"
"Nasa iyo na iyon."
Yun lamang ang kaniyang sinabi at nagtungo sa bintana habang nakatingin sa malayo na animo'y malayo ang iniisip.
"Paanong nasa akin?May sikreto ka rin ba?"
Hindi niya ako sinagot,bagkus ay iniba niya ang aming pinag-uusapan.
"Lumalago na ang apoy ruon sa banggerahan,magpunta karuon upang mainitan at matuyo ang iyong kasuotan."
"Bakit hindi mo sagutin ang aking katanungan?Nababahala ka ba na isusuplong ko ito?O baka naman kagalitan kita?"
"Natatakot ako na baka pagdating ng araw ay kamuhian niya ako."
"Sino?"
BINABASA MO ANG
Ang Panlimang Binibini(COMPLETED)
Ficção Histórica(UNDER MAJOR EDITING) Si Maria Susana Dela Fuente ay isa sa mga naulila na, tanging ang kaniyang tiyahin lamang ang kumukupkop sa kan'ya. Tila nasanay na siya sa takbo ng kaniyang pamumuhay at hindi na alintana ang mga bagay-bagay ngunit isang pang...