Pamilya
Kahit kinakabahan ay lumapit ako sa aming lola o Apo.
"B-bakit po?"
"May iba talaga sa'yo iha."
Nilapitan niya ako at hinawakan ang aking braso.
"Mainit ka iha ah,naligo ka ba sa ulan?"
Akala ko kung ano na.
"A-ah hindi po."
"Naku Apong Cecilia,hindi kasi iyan natutulog sa tamang oras."
Pagbu-buking sa akin ni Ate Josephina,agad ko naman itong tinignan.
"Naku halika na sa loob upang makainom na siya ng gamot."
'yon nga pumasok na kami sa loob,napa-pitlag ako ng may humawak sa aking kamay.
"Nilalagnat ka,Maria."
Ani ni Fransisco na nag-aalala.
"I-ipapahinga ko lamang ito at mawawala na."
Ngunit hindi parin siya nagpa-pigil,bakit ba kasi ngayon pa ako sinumpong ng lagnat?E halos isang buong taon na nga akong hindi nagka-kasakit.
"Apong Cecilia?"
Pagtawag ni Fransisco sa aming lola.
"Bakit iho?"
"Hindi ba't may mga halamang gamot kayo sa 'nyong bakuran?Kung sana ay maaari akong kumuha upang gumaling na si Maria."
Ngunit tumaas lamang ang kilay nito at nagwika ng...
"Kaano-ano mo ang aking Apo?Hindi mo na kailangang sabihin at kumukuha na ang aming kasambahay."
"Asa---"
Pinutol ko ang sasabihin niya,talaga naman ito sabi ng sekreto na muna siya pa nagsabi na hindi mabubuko ah.
"Magiging mag-asawa na po,Lola."
Mas lalong tumaas ang kilay nito.
"Hindi ba't sinabi na sa inyo nila Ama?"
Ani ni Ate Delilah.
"Akala ko'y nagbibiro lamang ang 'nyong ama kung kaya't itinapon ko na ang sulat na kaniyang ipinadala.Kung gayon ay sa pamamahay na ito natin malalaman kung talaga bang kuwalipikado ang Ginoong ito para sa'yo apo."
Ngumiti naman ako kay Lola.
"Ipapakain ka sa alaga niyang piranha sa likod bahay,Ginoong Fransisco yari ka!"
Pananakot pa nila Ate Milagros dito.
"Ay siya,iakyat niyo na sa silid iyang si Susana.Ipapadala ko na lamang ang isang tuwalya at tubig na maligamgam ruon.At saka ang gamot."
"Sige po."
Nauna na sila Ate sa taas kung saan ang kani-kanilang silid,nagbeso pa sila kay Lola bago umakyat sa pangalawang baitang ng bahay.
Kung kaya't ganuon rin ang aking ginawa.
"Magandang Umaga po sa'nyo."
"Sa'yo rin iha,magpahinga ka na muna ruon sa 'yong silid.At ikaw Ginoo,sa iba kang silid magpa-pahinga...hindi pa kayo kasal kung kaya't magiging malupit na muna ako sa 'yo.Pagkatapos mong alagaan iyang aking Apo ay dumiretso ka na rin sa 'yong silid,maliwanag?"
BINABASA MO ANG
Ang Panlimang Binibini(COMPLETED)
Ficção Histórica(UNDER MAJOR EDITING) Si Maria Susana Dela Fuente ay isa sa mga naulila na, tanging ang kaniyang tiyahin lamang ang kumukupkop sa kan'ya. Tila nasanay na siya sa takbo ng kaniyang pamumuhay at hindi na alintana ang mga bagay-bagay ngunit isang pang...