Kabanata 15

920 41 0
                                    

Ang Pagkatalo

May sira na ba ako sa utak?Saan nga ulit ako pinag-lihi ni nanay bakit parang kulang ako sa mga vitamins na pam-patalino.

Labinlimang minuto lang?Saan naman ako hahanap ng halamang gamot e lagundi lang ata alam ko ruon.

Lesson learned,huwag maging t*anga.

Char.

Kanina pa ako paikot-ikot sa buong gubat ngunit puro insekto at mga tinik na halaman ang nakikita ko.

May garden kaya ang eskuwelahan?duon kaya ako maghanap.

Pagpunta ko sa may hardin,yeah sowsyal sila kami ng sa gilid gilid lang ng mga room nagtatanim para sa grades tapos sila may pa hardin.

At dahil ang dami ko ng dada,kailangan ko ng magmadali.

Nakahanap ako ng oregano ata tawag rito,yung may mint sa english.

"Hindi ka pa tapos?"

Nagulat siya ng biglang sumulpot si Romeo sa kaniyang likuran.

"Nang-aasar ka ba?bugbog gusto mo?"

"Hindi,nais mo bang tulungan kita?"

"Hindi na,pero diyaan ka lang para kapag may mga dagdag ka na mga impormasyon."

"Payag ako,ano ba ang iyong napili na halamang gamot?"

"Oregano."

"Alam mo ba ang bawat detalye na mayroon iyon?"

"Kaunti lang ngunit kailangan ko pa itong madag-dagan."

"Kung gayon kumuha ka lamang ng dalawa o isang dahon niyan upang masuri ng maigi."

"Sige."

Pumunta na kami sa likod ng eskuwelahan at pumwesto sa isang kubo na naruon.

Inilapag ko ang nakuha kong mga kagamitan upang masuri ang gamot.

"Bininining Maria."

Tawag ni Ginoong Romeo galing sa kaniyang pag-alis kanina.

"Bakit?"

"May nahanap ako na libro ukol sa mga halamang gamot at isa rito ay ang iyong gagamitin."

"Ano ang nakasaad?"

Tanong ko habang kinukuha na ang katas ng oregano at inilagay sa isang baso.

"Ang oregano ay isang halamang gamot na maaaring inumin kung may sipon o ubo,mabisa ito upang mailabas ang mga plema."

"Kailangan kong tikman ang lasa upang makadagdag pa ng ilang impormasyon."

Hindi ko alam kung anong klase ang lasa nito ngunit kailangan ito.

Ngayon ko lamang matitikman sa tanang ng buhay ko.

Unang sipsip pa lamang ay halos mailabas ko na ang lahat ng kinain ko,nakakasuka siya isama mo pa yung amoy.

"Base sa iyong mukha hindi ko na ito titikman pa."

"Tikman mo na,gamot naman iyan."

Hinabol ko siya ngunit lumalayo lamang siya sa akin.

Ang Panlimang Binibini(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon