Kabanata 42

329 18 0
                                    

Kaunting Sagot

Agad muna akong nagmano kila Tiya Rosa at kay lola bago nagtungo sa puwesto kung saan si Fransisco.

"Kamusta ka?Sinabi ng 'yong Lola sa akin kung ano ang nangyari."

Tinitignan niya ang bawat sulok ng aking katawan siyempre hindi yung sa mga private part...echos kayo.

"Mabuti naman ang aking kalagayan,iniligtas ako ni Ginoong Lucas."

Agad namang kumunot ang nuo ni Fransisco.

"Si Lucas?"

"Mm."

Sabay pakita ko sa kumakaway na si Lucas,mung baliw talaga ito.

"At bakit ka naman niya iniligtas?Baka may masama ka na namang balak!"

Kaso tumawa lamang ng malakas si Lucas,kung kaya't susugurin na siya sana ni Fransisco ng hawakan ko siya sa kaniyang braso.

"Baka sa 'yo pa mayroon,ngunit kay Maria?Wala,kaibigan ko kaya siya."

"Talaga ka---"

Natigil lamang silang dalawa ng mag-salita si Lola.

"Naku kayong mga binata kayo,itigil niyo na 'yan.Itabi niyo na lamang ang 'nyong mga lakas para mamaya,masyado naman kayong halata."

Ngingisi-ngising ani ni Lola,si Tiya naman ay tumawa lang din at pumasok na loob ng bahay.

Pumasok rin naman kami sa loob.

"Kung nais niyong makuha ang aming boto para sa magiging karapat-dapat kay Susana ay kailangan niyong galingan.Halika sumunod kayo sa likod bahay."

Sumunod naman kami kahit na wala kaming kaide-ideya kung ano ang ipapagawa kila Fransisco.

Nakakita kami ng dalawang palakol ruon at napakaraming kahoy na sisibakin.

"Kung sino ang may maraming masisibak ay siyang panalo."

Nakangising ani ni Tiya.

Akmang magsi-simula na sila ng magsalitang muli si Tiya.

"Ang gusto ni Ina ay maayos ang pagkaka-sibak,kumbaga parang niliha.Kung sino ang may pinakamaraming nasibak at may makinis na kahoy ay siyang panalo."

Natawa tuloy ako,kaya ba nila 'yon?Kaso base sa mga mukha nila ay desidido sila hahaha.Nagulat ako ng lumapit sa akin si Lucas at bumulong.

"Hindi ito seryosohan,nais ko lamang asarin si Fransisco."

Agad naman ako sa kaniyang tumangon.

"Bakit ka nakikipag-bulungan kay Lucas,Dimitria!"

Naiiritang ani ni Fransisco sa akin,napatawa tuloy ako.

"Wala ka na dun."

Pang-aasar pa ni Lucas,mung baliw talaga 'to.

Nagsimula na sila sa pagsibak halos mabuwal na kami sa kakatawa nila Lola sa isang gilid dahil sa kanilang pinag-gagawa...ingat na ingat kasi sila sa pagtaga ng kahoy.

Sa kakatawa namin na umabot siguro ng tatlumpung minuto ay natapos na rin sila,halos grabe napakakinis nga puwedeng ipang-palo sa puwet hahaha.

Ang Panlimang Binibini(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon