Modernong Panahon
Masuyong naghi-hintay si Maria sa isang kalye na pagki-kitaan nila ni Fransisco halos mag-iilang oras na siyang naghihintay ngunit walang dumarating nang biglang...
"Ang ating pag-aalsa ay hindi natin alam kung tayo'y mananalo,pero ang masisiguro lamang natin ay ang ating katahimikan dahil lumaban tayo para sa bayan!"
Nagulat siya nang may mga taong may hawak ng tabak,palakol,piko at mga baril na sandata.
"N-ngayon sila mag-aalsa laban saan?"
"Hindi dapat tayo pumapayag na ang mga dayuhan ang siyang magpatakbo sa 'ting bansa!Korupsiyon ang dala nila at hindi maganda ang nagiging lagay ng mga mahihirap!Kailangan natin makamit ang sariling atin!"
Sigaw ng isa.
"Tama!"
Nagsi-sangayunan ang lahat at naghiwa-hiwalay na nang landas.
"Bakit ba ang tagal ni Fransisco?H-hindi niya na ba talaga ako sisiputin?T-talagang iiwan niya na 'ko?"
Nagulat siya nang magsimula ang mga putok ng baril sa kaniyang kaliwa at mga sigawan.
"Anong mayaman lang ang puwedeng mabuhay?Kami rin!"
Sigaw ng isa sa hukbo habang hinahampas ng baril sa ulo ang isang lalaki na siguradong mayaman.
![](https://img.wattpad.com/cover/260092666-288-k659738.jpg)
BINABASA MO ANG
Ang Panlimang Binibini(COMPLETED)
Tarihi Kurgu(UNDER MAJOR EDITING) Si Maria Susana Dela Fuente ay isa sa mga naulila na, tanging ang kaniyang tiyahin lamang ang kumukupkop sa kan'ya. Tila nasanay na siya sa takbo ng kaniyang pamumuhay at hindi na alintana ang mga bagay-bagay ngunit isang pang...