Balatkayo
Alas dos na ng madaling araw ngunit nananatiling bukas ang mga mata ni Maria at nagla-lakbay pa ang kaniyang isipan ukol sa larawan.
"Bakit anim ang batang nasa larawan?May isa pa bang Binibini?Sino 'to?"
Gulong-gulo ang isip ni Maria kung kaya't bumaba siya upang uminom ng tubig.Akmang hahakbang na siya papasok sa kusina nang makarinig siya ng mga kaluskos galing sa kaniyang kanan.
"S-sino 'yon?"
Napalinga-linga pa si Maria nang maaninag niya ang tatlong kalalakihan na may dalang puting tela.
"S-sino sila at ano 'yang dala nila?B-bakit sila naandito?"
Napahinto lamang si Maria sa pag-iisip nang magsalita ang isa.
"Anong gagawin natin dito?"
"Itapon na natin sa ilog bago mag-umaga."
Tumango-tango naman ang isa at sumangayon sa kaniyang kasama.
"Sandali lang at nauuhaw ako,ilapag niyo na muna 'yan at magpahinga muna.Sigurado naman na pinatulog ng mahimbing ni Pinuno ang Limang Binibini kung kaya't malaya tayong gumalaw."
"Sige pare."
At inilapag nga nila ang kanilang bitbit na parang isang bagay lang.Nanlaki ang mga mata ni Maria nang makita ang lumitaw na kamay mula sa puting kumot,may bahid 'to ng dugo.
"B-bangkay ba 'yan?K-kanino?S-sino ang nasa likod ng puting kumot na 'yan na isa nang malamig na bangkay?"
"Naku Pare lumitaw 'yong kamay,sigurado ka ba na mahimbing ang tulog ng limang Binibini?"
BINABASA MO ANG
Ang Panlimang Binibini(COMPLETED)
Historical Fiction(UNDER MAJOR EDITING) Si Maria Susana Dela Fuente ay isa sa mga naulila na, tanging ang kaniyang tiyahin lamang ang kumukupkop sa kan'ya. Tila nasanay na siya sa takbo ng kaniyang pamumuhay at hindi na alintana ang mga bagay-bagay ngunit isang pang...