Kabanata 39

324 18 0
                                    

Ano?

Halos hindi na ako makahinga dahil iniisip ko na paano kung mahuli nila akong nakikinig sa kanilang usapan?Mapapadali na ba ang aking kamatayan?

Ngunit bago pa ako makit nila Lola ay may humila na sa akin paalis sa lugar na yun.

"F-fransisco."

Tinignan ako nito ng malamig na tingin,para siyang bumalik sa una naming pagki-kita.Galit pa rin siya?

"Bakit ka kasi naki-kinig sa usapan ng matatanda?"

Pagalit na ani nito sa akin ng makarating na kami sa isang malaking puno.

"Hindi ko naman sinasadya ah!Pumunta kasi ruon si Nyaw,hinabol ko lang."

"Eh bakit mo kasi kailangang habulin 'yon.Mas importante ba 'yon kaysa sa kaligtasan mo?Mag-isip ka nga ng maayos,Dimitria."

Bakit ba kinakabahan ako kapag Dimitria na ang tawag niya sa akin,pero oo nga noh tama siya...pero baka kasi nawala si Nyaw.

"E bakit ka nagagalit?Sinabi ko na nga sa 'yong hindi ko kasalanang marinig ang kanilang pinag-uusapan!"

Hinawakan ako nito ng mahigpit sa braso,kung kaya't napangiwi ako.

"Dapat ay una pa lang lumayo ka na ng marinig mo ang kanilang pinag-uusapan hindi 'yong nakikinig ka pa.Paano kung hindi kita nakita ruon at naitakas?Anong gagawin mo?!"

Lumalabas na ang mga ugat nito sa leeg dahil siguro sa galit,hindi ko alam kung nana-nadya ba ang aking mga luha dahil isa-isa silang bumagsak na parang isang talon...napakahina ko.Napayuko na lamang ako upang hindi niya mapansin ang aking pagluha.

Ang Panlimang Binibini(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon