Kabanata 31

433 18 1
                                    

Bakasyon

Agad akong napalingon sa pinto,naruon si Aling Corazon...agad ko namang itinago ang cellphone na hawak ko.

"A-aling Corazon,ano po ang isinadya niyo?"

Kinakabahan kong ani,napalunok tuloy ako.

"Nais ko lang sanang ikamusta ang 'yong lagay,ngunit bakit tila nakakita ka ng multo?May itina-tago ka ba,Binibining Susana?"

"Mabuti naman na po ang aking lagay,w-wala po akong itinatago."

Mas kinabahan ako ng parang sinisilip niya ang aking cellphone na nasa likuran ko,ngunit agad rin naman niyang ibinalik ang tingin sa aking mukha.

"Alam kong napagod kayo sa inyong pamamasyal ni Ginoong Fransisco at sa mga pangyayari,ipina-payo ko na sana ay magpahinga na kayo."

"A-ah opo,salamat."

Ngumiti ito sa akin,bago siya lumisan ay tumingin pa siya sa aking likuran animo'y inaalam pa kung ano ang aking itinatago.

Nakahinga ako ng maluwag ng tuluyan na siyang umalis.

Nakakapanghinala naman ang kilos ni Aling Corazon,ngunit sabi nga huwag kaagad manghusga.

Ano na kayang gagawin ko sa cellphone na ito,paano ko malalaman kung sino ang pumatay kay Nanay Clarita.Hindi ba't nabanggit ni Nanay Clarita na may kuryente sa mga mayayamang pamilya?Ngunit nasaan ang aking bag na naglalaman ng Charger ko?

Sa kakaisip ay hindi ko na lang namalayan na nakatulog na pala ako.

Kinabukasan

"Susana?"

Sino ang tumatawag sa akin?

"Maria,kailangan mo ng lumisan."

Iba namang tinig ang aking narinig.

"Hindi mo magugustuhan ang iyong mga masasaksihan kung mag-papatuloy ka pa sa nakaraan."

Hinahanap ko kung sino ang nagsa-salita ngunit kadiliman lamang ang aking nakikita.

"Maria Susana!"

"May namatay na,Maria.Hahayaan mo bang may sumunod pa?"

Ani ng tinig sa kung saang banda ng kadiliman,sino ba ang nagsa-salita?Bakit tila dalawa ang boses na aking naririnig?

"Gumising ka na,Maria Susana!!!"

"Suzane,anak."

Iba namang tinig ang aking narinig,nananaginip ba ako?

Sinong Suzane?

"Maria,pag-isipan mong mabuti."

"Suzane,nasaan ka?"

Dalawang tinig na ang aking naririnig sa gitna ng kadiliman.

Hanggang sa may naaninag na akong pigura,ina?

Ngunit bago pa ako makalapit kay ina ay....

"Mamamatay ka!!!"

Hinihingal akong napabangon sa aking higaan,panaginip lamang ang lahat.

Binuhusan pala ako ng isang tabong tubig.

"Napaka-himbing naman ng 'yong tulog,aking kapatid."

Ang Panlimang Binibini(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon