Ang Away
Tuloy tuloy ang aking pagbagsak.
Nakapikit ako habang padaus-dos ako sa puno ng niyog,ansaket!!!
Saktong naramdaman ko na ang paa ko sa lupa,ay ang pagbukas ng aking mga mata.
Inilibot ko ang aking paningin at nakita kong malapit sa paa ni Clara ang bukong nalaglag.
Umiiyak ito at dumalo naman sa kaniya ang mga kaibigan....at si Ginoong Fransisco.
"Binibining Maria,ayos ka lang ba?Dumudugo ang iyong mga braso."
Nag-aalalang ani ni Ginoong Romeo.
Namanhid ang buo kong pagkatao pagkarinig ko ng salitang dugo.
Shocks...bago ako mawalan ng malay pagkatapos kong tignan ang dugo na umaagos sa aking mga braso ay may mga bisig ng pumaikot sa aking katawan.
*Pangatlong Katauhan*
Habang nawalan ng malay si Binibining Maria ay agad naman itong sinalo ni Ginoong Romeo.
"Clara,ayos lang ba iyang paa mo?"
Nag-aalalang sabi ng isa sa kaibigan ni Clara.
Binuhat ito ni Ginoong Fransisco at papunta ito sa pagamutan.
"Ipagpatuloy na ang aktibidad at huwag ng tumunganga lamang."
Ani ng kanilang nakakatandang kaklase na si Binibining Lili.
Sa kabilang banda.
"Apo Philip,napakaraming sugat ang natamo ng aking kaibigan."
Nag-aalalang ani ni Ginoong Romeo.
"Ano ba ang nangyari riyan,Iho?"
"Napadaus-dos po sa puno ng Buko."
"Naku,e bakit nawalan ng malay?"
"Takot ho ata sa dugo,kailan ho siya magigising?"
"Ihiga mo muna siya ruon sa papag at gamutin mo ang kaniyang mga sugat nitong dahon ng malunggay."
Ani ng Apo.
"Makakagaling ho ba iyan?"
"Oo naman iho,ayon sa ating mga ninuno ay isa iyan sa mabisang halamang gamot upang mapatigil ang pagdurugo ng isang sugat."
"Marami hong salamat."
"Walang anuman,hintayin mo lamang at mamaya-maya ay magigising narin iyan."
"Opo."
Pagkalabas ng Apo ay agad namang pinunasan ng basang maliit na tuwalya ang sugat ni Binibining Maria.
"Mm..."
Nataranta si Ginoong Romeo ng umungol ng mahina si Binibining Maria na animo'y nasasaktan.
Kaya naman dinahan-dahan niya ang pagpunas at saka nilagyan ng dinikdik na malunggay.
(Sana all may nagke-care!!!jok.)
"Ginoong Fransisco!"
Bulalas ni Ginoong Romeo ng pumasok sa bahay pagamutan ang Ginoo.
"Nasaan si Binibining Maria?"
"Narito,ano ang iyong kailangan sa kaniya?Nasaan si Binibining Clara?"
BINABASA MO ANG
Ang Panlimang Binibini(COMPLETED)
Historical Fiction(UNDER MAJOR EDITING) Si Maria Susana Dela Fuente ay isa sa mga naulila na, tanging ang kaniyang tiyahin lamang ang kumukupkop sa kan'ya. Tila nasanay na siya sa takbo ng kaniyang pamumuhay at hindi na alintana ang mga bagay-bagay ngunit isang pang...